Chapter 51

1.2K 67 3
                                    

Travis' PoV

Kanina lang ay ako ang naiinis sakanya, tapos siya naman ngayon.

Tangina nilunok ko pa yung pride ko na sabihing nagseselos ako sa lalakeng 'yon. Kapag nagkaron lang talaga ako ng lakas ng loob na manligaw kay Alexia gagawin ko agad. Eh kung itanong ko na kaya mamaya?

Baka maunahan pa ko ng ex niyang mukang espasol sa sobrang puti tsaka sayang ang magandang view dito kung hindi ko gagawan ng magandang memories kasama siya.

Malakas lang siguro ang loob ko ngayon kasi nilalamon na talaga ako ng selos. Pero teka, hindi ko pa pala nakukuha yung sulat ni Alexia para sakin dahil sa nangyari kahapon.

"Nandito ka pa rin? Saan si Alex?" biglang sulpot ni Kaitlyn.

Nagkibit balikat ako, "Kalalabas niya lang kanina."

"Ahh, tara na. Baka nandoon na 'yon si Alex."

"Mauna ka na, susunod ako."

Inayos ko muna ang higaan nila at saka lumabas ng kubo. Nasilaw ang mata ko nung tumapat agad sakin ang sikat ng araw pero mas nasilaw ako nung makita ko silang dalawa na magkasama.

Iniwas ko sakanila ang paningin ko, sakto namang nakita ko ang mga kaibigan kong titig na titig sakin kaya nilapitan ko agad sila. Sinulyapan ko ulit si Alexia, mas lalong nalukot ang mukha ko dahil kalmado na silang nag-uusap at tabing tabi pa! Nanlaki ang mata ko nung tumingin din siya sa gawi ko at nagkakatitigan kami.

Bat ba nakalimutan kong nakakaramdam ang babaeng 'to kapag may tumitingin sakanya?! Tsk!

Sinamaan ko siya ng tingin saka umupo na sa tabi ni Francis. Bagsak ang balikat ko at parang gusto kong mahiga at matulog na lang.

Apat na oras naman ang tulog ko--

"Anong susunod na gagawing activity?"

Pinigilan kong mapangiti pero kusang lumabas ang ngiti ko nung tumabi sakin si Alexia.

Dahil sa pag-iinarte ko, siya pa tuloy ang lumapit sakin. Tsk galingan mo pa Travis!

Hindi ko mapigilang mapatitig sakanya. Tangina ang sarap sa pakiramdam, parang ako na yata ang pinakamasaya sa aming lahat dito.

"Huy? Anong susunod na activity?"

"Ay ahm.. Hindi ko pa alam."

Tumango tango siya, "Hindi na ako uuwi ngayon. Sasabay ako sainyo sa pag-uwi."

"Hindi ka na galit?" wala sa sariling naitanong ko.

"Hindi. Mukang malakas ka magselos eh, ayokong sabayan 'yang pag-iinarte mo." nakangisi niyang sabi. Imbis na mayabangan ako sakanya ay mas lalo pa akong napangiti.

"Pigilan mo 'ko."

"Na ano?" takang tanong niya

"Gusto talaga kitang yakapin hehehe."

"Subukan mo lang. Masasapak kita."

"Kapag si Kurt ang yumakap sayo okay lang, pero kapag ako may sapak?" nakasimangot kong tanong.

"Tss nakahalik ka na nga, nasapak ba kita?!"

"Sige hahali--"

"Manahimik ka."

Itinikom ko na ang bibig ko bago pa siya mainis sakin. Pero hindi talaga ako mapakali hangga't hindi ko siya kinakausap. Pinalipas ko muna ang 30 seconds bago magsalita ulit.

"Kumikirot yung sugat ko."

Lihim akong napangiti nung mabilis siyang humarap sakin.

"Tara, ipalinis mo muna 'yan."

Hold You TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon