Chapter 28

1.8K 36 3
                                        

Alex' POV

"Waaahhhhh! B-Bagalan mo naman! Shet naman! Yung k-kaluluwa ko malapit ng humiw--- Putangina!" pagmumura niya matapos kong pumreno dahil sa inis.

"Manahimik ka nga! Kumikirot ang s-sugat ko at parating na yung mga pulis kaya bilisan na natin!" inis na sabi ko!

"Waw ah! Nung nasaksak ka nga ng cutter sa braso hindi ka nag reklamo pero ngayong sa kamay ka lang nabaril-- lakas mo magreklamo!"

dO___Ob ?!

Sa kamay?!

Taka kong tiningnan ang kamay ko at agad na nanlaki ang mata ko!

Hindi ko nga naramdaman eh

"Oh?! Bakit parang gulat na gulat ka pa?!"

"Hindi naman ito yung kumikirot." pa iling iling pang sagot ko.

"Eh?! Anong hindi?! Manhid ka ba?!"

"T-Tss." singhal ko na lang at pinaandar muli ang sasakyan.

Lumalabo labo ang paningin ko pero pinipilit ko pang makapagdrive ng maayos.

"T-Teka nga.. ano bang masakit s-sayo?"

Hindi ako sumagot.

"U-Uy.. namumula ka na oh."

Hindi ko na lang siya pinansin at nag focus na lang sa pagmamaneho.

Pilit kong tinitiis ang pagkirot ng sugat ko sa likod ng aking balikat..

d>>__<<b

Hindi ko na napigilan ang kamay ko at napahawak na ko sa balikat ko..

"S-Shit.. ah" mahinang ungol ko kaya napalingon sakin si Travis.

"S-Saan--! Bakit hindi mo sinabi sakin agad?!" galit na sigaw niya sakin at pilit niyang tinatanggal ang jacket ko!

Nakakatawa lang na titig na titig siya sakin kanina habang nakikipag barilan ako pero hindi niya nakita na natamaan ako ng dahil sakanya.

"'Wag ka ngang magulo."

"May masakit na pala sayo kanina tapos nagawa mo pa kong asar asarin! Tapos ikaw pa ang nagdadrive ngayon! Ihinto mo nga!"

"Kasalanan mo kung bakit ako natamaan kanina! Tangina sumali sali ka pa kasi! Nawala tuloy ako sa pokus at minadali ko ang pag baril!"

"S-Sorry.."

Hindi na ako nag salita pa dahil nakarating agad kami sa harap ng hospital.

Nauna siyang bumaba sakin at pinag buksan ako ng pintuan sabay hila sa kamay ko kaya napababa ako ng wala sa oras!!

Napapikit ako ng mariin, parang mauubusan ako ng dugo nang wala sa oras.

"Tara na!" inis na sambit niya at hinila ang siko ko!

"H-Huy sandali. Umuwi ka na. Bakit ka pa sasama sa loob?"

"Ano pa nga ba?! Edi sasamahan ka magpagamot!"

Hold You TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon