Alex' PoV
Inilayo ko agad ang sarili ko sakanya bago pa kami makita ng mga kaklase namin. Nakayuko siya ngayon sa harap ko at kunot na kunot ang noo.
"Dahil lang don, hindi ka na natulog?!"
"Hindi ko naman balak na hindi matulog, hindi ko lang namalayan ang oras sa kakaisip."
"Tsk, tapos kanina sa bus hindi ka man lang natulog! Baliw ka talaga eh!"
Tapos sakin niya pa isusumbat!
"Okay lang naman ako, basta pansinin mo 'ko."
"Eh kung ayoko?!"
Nagkibit balikat siya, "Bakit ba ayaw mo 'kong kausapin? Akala ko ba may gusto ka din sakin?"
"Kapal. Oo na! Pero sana maintindihan mo na hindi sa lahat ng oras nakadikit ka sakin."
"Opo ma'am. Masusunod po."
Inirapan ko siya, "Matulog ka muna kaya?" Tumitig siya sakin na may halong pang-aasar at nginiwian ko naman siya, "'Wag mong bigyan' yon ng meaning! Nakakaawa lang talaga 'yang pagmumuka mo!"
"Sus! Palusot. Tara na nga, magkakasama nanaman sila do'n oh."
Nang makalapit kami sakanilang lahat ay agad naming nakuha ang atensyon ng iba. Tangina alam ko na yang mga tinginan na yan.
"Akin na pala yung bag mo, ilalagay ko do'n." sabay turo niya sa pinakamalaking kubo dito.
"Ako na lang."
Tinalikuran ko na agad siya bago pa siya mamilit--
"Aray, ano ba?!"
Hinila niya ang backpack ko kaya napaatras ang paglakad ko, mabuti na lang ay hindi ako natumba. Tinigil niya lang ang paghila nung nakarating kami sa mga upuan. Agad kong inalis sa likod ko ang backpack para hindi niya na ulit akong mahila.
"Ibibigay mo din pala, umupo ka na muna dito."
Mariin akong napapikit dahil sa ugali niya, wala talaga siyang pake kahit pagtinginan kami. Wala akong nagawa kundi umupo at samaan ng tingin ang mga kaklase kong nakatingin din sakin ng masama.
Maya maya ay biglang lumapit sakin si Kaitlyn na may dala dalang juice sa plastic cup.
Umupo siya sa tabi ko, "Ikaw Alexiandra ha! May tinatago ka talaga sakin eh." kunwaring naiinis na sabi niya at inabot niya sakin ang hawak niya.
"Wala."
"Anong wala?! Eh ano yung nakita ko kanina?"
"Para 'yon lang eh." pagbabalewala ko sa nakakaasar na tingin niya. Tsk.
"Anong para 'yon lang? Una, yung sa bangka.. tapos yung bag mo.. tapos--"
"Tinulungan lang ako, kung ano anong iniisip mo."
"Ahh, so pag tulong na pala yung pagyakap niya sayo?"
P-Putangina.
Nakita niya pa yon?!
Sakto naman ang pagdating ni Travis dahil kung hindi, hindi ko alam ang sasabihin ko sa babaeng 'to.
"Oh, Kaitlyn? Tapos niyo nang ayusin yung pagkain natin?"
"Oo, madami kami kaya mabilis lang naming naayos. Mukang good mood ka ata ngayon ah, laki ng ngiti mo eh. First time kong makita hehe." ngiting ngiti na sabi niya habang palipat lipat ang tingin niya saming dalawa ni Travis.