Chapter 3

2.8K 53 0
                                    

Alex' POV

Bumalik na lang ako sa room matapos ang eksena kanina. Mga ilang minuto pa ay nag ring na ang bell.

Sabay sabay na nagsipasukan ang mga kaklase ko at halos lahat sila ay nasa akin agad ang tingin.

"Class. Absent si sir Raymundo, ako na muna ang subject teacher niyo sa oras na ito."

Nagsimula siyang mag discuss pero kahit isa sa mga sinabi niya ay wala akong pinakikinggan. Nananatili lang akong nakatingin sa singsing ko.

"Ms. Cristobal," Tawag sa akin ni sir kaya tumayo ako. Nagsulat sa board si sir ng kung ano anong number na hindi ko maintindihan at may mga letters pa. Ibinigay niya sa akin ang whiteboard marker, "Solve this."

"I don't know how, sir."

"Kanina naka perfect ka pa sa quiz ni Sir Gio tapos ngayon simpleng recitation hindi ka makasagot." Hindi ko alam kung tama ang pagkakarinig ko pero parang nadisappoint ang tono ng boses niya. "Okay. I'll talk to you later."

Para 'yon lang kakausapin agad.

Nagtawag siya ng ibang sasagot kaya napapahiya akong umupo. Tahimik at kinakabahan ang lahat dahil sa recitation, next question na sana pero nang may kumatok sa pinto ay lahat kami ay nabuhayan at nakahinga ng maluwag,

"May I come in sir?" si Kaitlyn ang bumungad sa pinto.

"Saan ka galing?"

"Sorry sir. Pinatawag po kasi ako ni Mr. Ocampo. Malapit lapit na po kasi ang intrams," sagot ni Kaitlyn

"Kailan ang intrams?"

"Next next week po. Not sure."

"Sige. You may take your sit."

Umupo na si Kaitlyn sa tabi ko. "Kwentuhan mo 'ko mamaya sa nangyari kanina ha!" mahinang bulong niya sakin at hindi ko na lang pinansin.

Nakinig na lang ako pero hindi talaga rumerehistro sa utak ko ang mga numbers at letters na pinagsusulat ni sir kahit ano pang eksplanasyon ang gawin niya. Hanggang sa lumabas na sa bibig ni sir ang dalawang salita na pinakapaborito ng lahat.

"Class dismiss."

Tumayo agad ako at naglakad palabas. Naramdaman ko naman ang pagsunod ni Kaitlyn kaya humarap ako sakanya.

"Mauuna na muna ako. May kailangan lang akong kausapin," lumabas na ako at saktong naka upo si sir sa may upuan sa labas.

"Sir."

"Ms. Cristobal nakarating sa akin ang mga pakikipag away mo daw sa dati mong school at yung nangyari kanina sa klase ni sir gio. Pati na rin yung kanina sa canteen. Sana yung ugali mong 'yon ay 'wag mong dalhin dito."

"'Wag po ako ang sabihan mo niyan. Kalilipat ko pa lang dito, wala akong kilala. Paanong basta basta ko na lang ilalabas ang ugali ko nang walang nanggugulo sa'kin?"

Bakit nga pala ito ang pinag-uusapan namin? Akala ko ba ay kakausapin niya ako para doon sa recitation na hindi ko nasagot. 

"Nakita ko ang buong nangyari kanina sa canteen."

"Nakita mo naman pala. Bakit parang sinisisi mo pa ako sa nangya--"

May biglang humila sa kamay ko at hinila ako pababa ng hagdan.

"Bitawan mo 'ko! Ang bilis mong maglakad!" galit na sabi ko pero patuloy pa rin siya sa paglalakad. Hinila ko ng sobrang lakas yung kamay ko sakanya kaya napatigil siya at humarap sakin. "Ano bang problema mo?! Hindi ka pa ba nakuntento kanina dun sa pagsipa ko sayo at bigla bigla ka na lang manghihila?!" inis na sabi ko habang hinihingal. Muntik pa 'kong masubsob sa hagdan!

"Bakit ganoon ka magsalita?"

"Ano namang problema mo doon?!"

"Bastos. Parang ka edad mo lang yung kausap mo! Akala mo nakikipag biruan sayo si sir Edwin! Wala kang respeto!"

"Ano naman sayo kung wala akong respeto? Nakakaturn off ba?" Nakangisi kong tanong

"Napaka yabang mo talaga! Teacher ang kausap mo at napakabastos mo."

"Wala kang pakialam, okay? Saka mo na ako sigawan kapag ikaw naman ang binastos ko," napansin niya namang wala na siyang salitang ilalaban pa sa sinabi ko kaya nag-iwas siya ng tingin, "Mamaya ka na nga gumawa ng eksena! Nagugutom na 'ko!" sabi ko at tumalikod pero hinila niya nanaman ang kamay ko na binawi ko naman agad, "Nakakailang hawak ka na ah?!"

Hindi siya nakasagot. Nakatitig lang siya sa mata ko. Pipitikin ko na sana yung noo niya pero bigla siyang nagsalita.

"S-Sige. Alis na!" napakalakas mantrip, wala namang maibubuga ang kingina. Tinalikuran ko na siya at nag simulang maglakad.

_

Travis POV

"S-sige. Alis na!" parang tangang naiusal ko na lang dahil sa kahihiyan at hindi ko maiwasang paghanga sa ganda ng mata niya.

Brown ang kulay ng lens niya at mahaba ang pilikmata, saka sobrang ganda talaga. Mabuti na lang at napigilan kong titigan ng matagalan.

Ang ganda nga, puro pasa naman yung pagmumuka.

Nakangisi akong naglakad papunta sa canteen at pumila. Nakita ko si Alex na nakadekwatro habang kumakain. Manok, fries, spaghetti at coke ang nakalagay sa table niya.

Yung upo niya akala mo lalake. Sabagay, muka nga naman siyang lalake kung kumilos.

"Mr. Enriquez, oorder ka ba?! Kanina ka pa nakatulala diyan, mahaba pa ang pila," inis na sigaw sa'kin ng tindera kaya napatingin ang lahat sa akin.

"1pc. chicken with rice. Coke yung drinks."

Sinulyapan ko muna ulit si Alex. Nakatingin pa rin siya sa'kin na parang natatawa at bigla pang ngumisi! Matalim ko siyang tinignan.

"Earth to Enriquez! Naghihintay ang pagkain mo, kanina ka pa ha!?"

Nagtawanan ang mga studyanteng nakarinig kaya natataranta akong kumilos. Kinuha ko na ang order ko at umastang aalis-

"Hindi 'yan libre! Nasaan ang bayad mo?!"

Tangina naman! Padabog kong binigay ang 500 ko at hindi na kinuha ang sukli. Kahit napapahiya sa sunod sunod na katangahan ay sinamaan ko pa rin ng tingin ang mga nagbungisngisan.

Nagtama ang paningin namin ni Alex. Natatawa siyang nag-iwas ng tingin habang umi-iling iling pa!

Humanda ka talaga sa'kin mamaya!

_

-mchllexo -

Hold You TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon