Ine-expect kong puro sermon mula sa principal ang bagsak ko at makick out ako sa school na ito pero puro pasasalamat at papuri ang naririnig ko sa principal at sa ibang teachers.
Nababad trip ako dahil halos lahat ng studyante ay pinagtitinginan ako at takot silang lumapit sa akin!
Nandito ako ngayon sa canteen kasama si Kaitlyn na nagoorder na ng pagkain namin ngayon. Kanina pa sya tanong ng tanong about sa nangyari kanina at kung bakit may baril ako.
Bumuntong hininga ako at lumingon sa direksyon nila Travis na mukang seryosong nakikipag uusap sa dalawa niyang kaibigan.
Hindi ko alam kung bakit naramdaman ko sakanya yung kabang naramdaman ko rin kay Kurt nung muntik na siya mapahamak dati. Ilang taon na rin ang nakalipas nung naramdaman ko yun at naulit na naman ngayon.
Iniwas ko ang paningin ko sakanya nung makita ko ang nang aasar na tingin sakin ni Kaitlyn!
Tangina! Stress na stress ako sa nangyayari! Kailangan ko ng yosi, ang ikli ng pasensya ko kapag ganitong padagdag ng padagdag ang iniisip ko!
Hinilot ko ang sintido ko dahil sa inis..
"Okay ka lang?" nagaalalang tanong sakin ni Kaitlyn at tumango na lang ako.
"Sigurado ka ah? Sabihan mo agad ako kapag masakit ang ulo mo, malapit lang ang clinic dito." Nakangiting sabi ni Kaitlyn at inilapag niya na sa mesa ang pagkaing binili niya.
"S-Sige. Salamat."
Nagsimula na akong kumain dahil nagsisimula nanamang sumikip ang dibdib ko dahil sa gutom.
--
Travis' PoV
"Saan naman kaya niya nakuha yung baril niya kanina?" biglang tanong ni Ivan habang kumakain.
Sobra sobra akong kinabahan kanina, hindi dahil sa baril na nakatutok sa ulo ko kundi dun kay Alex na bigla bigla na lang nilabas ang baril niya.
Hindi niya ba alam na pwede siyang makick out dahil sa ginawa niya?!
"Pre. Baka balak mo magpa salamat kay Alex mamaya?" kunwaring tanong ni Calvin sakin.
Hindi pa pala ako nagte-thank you kanina kay Alex dahil nung mag uusap sana kaming dalawa, bigla namang umepal si Kaitlyn.
Gusto ko siyang kausapin mamaya pero hindi ko alam kung anong uunahin kong itanong sakanya. Nakakaasar pa naman yung walang emosyong muka niya kaya malamang masisigawan ko siya.
Bumuntong hininga ako at hinanap ng paningin ko si Alex..
Salita ng salita si Kaitlyn habang si Alex naman ay parang walang pakealam na naka pokus sa kinakain niyang carbonara. Nakikita kong hinihiwalay niya ang mushroom kaya natawa ako ng kaunti.
"Hala siya.."
dO__Ob
Napalingon agad ako kay Calvin nung bigla siyang magsalita! Umastang hindi makapaniwala si Calvin at Francis habang nakaturo ang daliri nila sakin!
"W-What?!" inis na tanong ko sakanila!
"Anong ibig sabihin nung ngiting yun, ha?! Travis?! BWAHAHAHA!" malakas na tawanan nila dahilan para mapalingon ang lahat ng studyante samin! Maging si Alex ay nakatingin na rin sa gawi namin!
Sinuklay ko ang buhok ko dahil sa inis!
Tangna! Anong klaseng nilalang ba itong mga kasama ko dito at ang lalakas tumawa?!