Alex' PoV
"Huy, mag salita ka naman."
Kunot noo kong tinignan si Travis dahil sa tono ng boses niya. Kanina ko pa siya hindi pinapansin kasi wala talaga akong ganang makipag usap. Nagbibiro pa siya kanina habang kinukulit ako pero ngayon, parang paiyak na. Psh kabaklaan.
"Ano ba?"
Siya naman ngayon ang hindi namansin. Napakamot na lang ako sa noo ko at saka umirap.
"Bakit ba ayaw mong sumama sakanila?" tukoy ko sa mga kaibigan niya na nagtatanim ngayon.
"Eh ayaw mo."
"Kapag ayaw ko, ayaw mo na rin?" nakokornihan na tanong ko sakanya at hindi siya sumagot.
Bahala siya. Tinatamad talaga ako eh.
"Oo kasi may gusto ako sayo."
P-Putangina?
___
Travis' PoV
Unti unting nanlaki ang mata niya at parang inis na tumingin sa akin.
"Anong sabi mo?!"
"Ewan bigla ko na lang naramdaman eh."
"Bakit--"
"Ikaw may kasalanan."
Napakurap kurap ako nung makita ko sa mata niya ang pagkainis. Anong nakakainis don? Ibang klase talaga 'tong babaeng 'to!
"At bakit ako?!"
"Kasi ikaw."
"Subukan mo kayang iuntog yang ulo mo sa pader baka--"
"Ayokong marinig yang sasabihin mo." seryosong sabi ko at saka nagtakip ng tainga.
"Imagination mo lang yan--"
"Shut up."
"Masyado ka namang duwag." sinamaan ko siya ng tingin at binaba ang kamay ko.
"Duwag pa ba yon? Eh umamin na nga ako."
"Tangina seryoso ka ba talaga?"
"Oo nga!"
"Duwag ka naman makatanggap ng rejection."
"So nirereject mo agad ako?"
"Oo." diretsong sagot niya at naramdaman ko ang pagkirot ng dibdib ko. Saglit pa akong tumitig sakanya, naghihintay na baka bigla siyang tumawa at sabihing nagbibiro lang siya. Pero wala, seryoso nga talaga siya.
"S-Sige, kalimutan mo na lang pala yung sinabi ko sayo."
"Wag mo na lang pigilan yang nararamdaman mo kasi hindi ko na rin pipigilan yung sakin, hindi lang talaga pwede sa sitwasyon ko ngayon tsaka mawawala rin naman yan ng kusa kapag may nahanap kang iba."
H-Hindi niya pipigilan yung sakanya? I-Ibig sabihin ba nun...
dO__Ob
May nararamdaman din siya para sakin?
"Kung ano man yang nasa isip mo, oo. Kaso hanggang dun lang, wag kang mag expect ng iba pa."
"Hindi nga?!" gulat na gulat na napahawak ako sa dalawang braso niya at tinaasan niya naman ako ng kilay.
Inalis ko agad ang kamay ko dahil sinamaan niya ako ng tingin. Tumayo siya at malakas na bumuntong hininga.
Wala sa sariling napangiti ako nung pumasok ulit sa utak ko yung sinabi niya. Tangina gusto ko siyang yakapin.
