Alex' PoV
Mabilis kong naidilat ang mga mata ko nung naramdaman kong may kumakalabit sakin.
"Gising naaaaa. Andito na tayo." excited na sabi ni Travis at ngiting ngiti na nakatitig sakin.
Kinusot ko muna ang mata ko bago tumayo. Masakit pa rin ang likod ko pero kaya ko na sigurong mag lakad kahit mabagal lang.
"Uy.."
Nilingon ko si Travis nung bigla siyang mag salita, "Ano?"
"Ang ganda mo talaga."
"Ikaw din." pagbibiro ko at inirapan siya.
"Anong ako?!"
"Tayo na lang pala nandito sa loob, tara na sa labas."
Inunahan ko siya sa paglalakad bago niya pa mahawakan ang kamay ko. Mabagal lang akong naglakad dahil kumikirot ang likod ko sa tuwing humahakbang ako--
"Ilang beses ko nang nahawakan 'tong kamay mo, ngayon ka pa tatanggi. Napaka arte talaga." natatawang sabi niya habang hawak ng dalawang kamay niya ang isang kamay ko!!
Ang daming alam neto pft.
"Hindi ka ba nahihiya na baka makita nila tayo?!" inis na tanong ko at mabilis kong hinablot ang kamay ko mula sakanya.
"Hindi. Kahit yakapin pa kita sa harap nila."
dO__Ob
Jusko po! Ano bang nangyayari sa lalakeng 'to?
Nakokornihan na tumingin ako sakanya, "Ulul, tigilan mo 'ko."
"Hindi ako nagbibiro. Pinakilig mo 'ko kanina, kaya kasalanan mo kung bakit ako ganito ngayon."
"Kinginang yan, pinakilig? Eh puro nga pang-aasar ang pinag sasabi ko sayo, tapos kikiligin ka?"
"Hindi naman kasi yung pang-aasar mo ang nagpakilig sakin."
"Eh ano nga?!"
"Yung kaninang kausap mo yung lalake na taga-Italy" nakangising sabi niya.
"Saan ang nakakakilig dun?! Yung binalibag niya ako o yung binaril ko siya?!" sarkastik na sabi ko at natawa naman siya!
"Yung sinabi mong “If I win, he's mine” tapos nanalo ka, edi sayo na pala ako?"
T-Tangina? Naalala niya pa yun?!
"Eh iba naman kasi yung ibig kong sabihin nun. 'Wag kang assuming."
"Wala akong pake. Basta yun ang pagkakaintindi ko sa sinabi mo." ngingisi ngising sagot niya at mabilis na hinila ako!
Pati ba naman 'yon binigyan ng meaning amp.
Nagsimula na akong mag lakad at inunahan ko siyang makaupo sa pinaka dulong upuan, buti naman ay hindi kami napansin ng mga kaklase namin na magkasama maliban sa mga kaibigan ni Travis na ngayon ay nang-aasar na ang mga tingin saming dalawa.
Nakaramdam naman ako ng kaunting hiya. Tinignan ko kung anong reaksyon ni Travis at nanlaki ang mata ko nung ngiting ngiti siya! Mukang napansin niya na napatingin ako sakanya kaya kinuha nanaman niya ang kamay ko at hinilot hilot 'yon ng dahan dahan. Hindi niya yata napansin ang mga kaibigan niya.
Hindi ko tuloy matignan kung ano ang reaksyon ng mga kaibigan niya dahil malamang ay nakikita nila ang ginagawa ni Travis.
Pinilit kong hilahin ang kamay ko kaya takang tumingin sakin si Travis.
![](https://img.wattpad.com/cover/135936807-288-k578324.jpg)