Alex' PoV
*Monday morning*
Nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako o hindi. Tamad na tamad kasi akong kumilos at pakiramdam ko bugbog na bugbog ang katawan ko. Idagdag pa ang mga tahi sa tiyan at braso ko na palaging kumikirot tuwing natatamaan!
Mas okay na siguro ang ganito kaysa tuluyang mamatay. Tsk.
"Papasok ka ba, Alex? Magpahinga ka na lang muna kaya?" biglang sulpot ni Jay sa pinto.
Mabilis akong tumayo at inayos ang buhok ko. "Papasok ako."
"Nalinis mo na ba yang sugat mo?"
"Lilinisin pa lang."
Lumapit siya sakin at tinignan ang braso ko na may tahi. "Ayos ka lang ba? Bakit parang ang tamlay mo? At saan ka nga pala galing kagabi? Bakit 10 ka na nakauwi?" sunod sunod niyang tanong.
Iniwas ko ang paningin ko sakanya at bumuntong hininga. "Kila Travis. May kinuha lang."
"S-Sorry nga pala kahapon."
Kumunot ang noo ko. "Wala kang kasalanan."
"A-Alam kong mas nahirapan ka dahil sa s-sinabi ko kahapon, pero kailangan ko-- naming makielam. Hindi ka namin pwedeng hayaang mag-isa na lumaban lalo na't alam naming padagdag ng padagdag ang mga iniisip mo."
Hindi ko magawang intindihin ang sinasabi niya dahil kahit anong paliwanag niya, nangingibabaw ang inis ko sakanila.
Hindi ba siya makaintindi?! Pwede nilang ikamatay ang simpleng pangengealam sa problema ko!
"Maiintindihan niyo rin ang punto ko kapag may putangina nanamang namatay sa isa sainyo." nanggigigil na sabi ko at natigilan siya.
"A-Alex--"
"Wag muna nating pag-usapan yan, Jay. Masyado pang maaga, ayokong magalit." putol ko sa sasabihin niya at pumasok sa banyo.
..
Lumipas ang ilang minuto at katatapos ko lang maligo at kumain. Inihanda ko na ang lahat ng gamit ko at lumabas na.
Naabutan ko si Jay na inaayos ang buhok niya sa harap ng salamin ng motor ko.
Umayos siya ng tayo nung makita niya kong palapit, tinanguan ko lang siya at nagsindi ng sigarilyo.
Ano nanaman kayang mangyayari ngayong araw?
May mga nagbabantay na kay Travis pero bakit gusto ko pa ring pumasok sa eskwelahan? Hindi naman ako interesadong mag-aral at wala akong mapapala kung tutunganga at mag yayabang lang ako dun magdamag
Sumakay na ako sa motor ko at pinaandar iyon ng mabilis habang nagyoyosi. Mabilis akong nakarating sa eskwelahan. Pagkapasok pa lang namin ni Jay sa loob, naagaw nanaman namin ang atensyon ng lahat.
"How the fck?"
"Buhay pa siya?!"
"Halos mag tu-two months na siyang wala ah! Hinihintay ko na lang ang balita na patay na siya----"
Hindi ko na pinakinggan ang mga babaeng nagbubulungan. Nagbubulungan pero dinig na dinig ko.
"Wag mo na lang pansinin." bulong ni Jay sa tabi ko.
"Mmm. Mauna ka na sa room niyo. May hahanapin lang ako."
"Samahan na kita."