Chapter 24

1.8K 40 0
                                    

Alex' POV

"Ayos ka lang?" kunot noong tanong ko kay Jay.

"Mmm. Salamat. Saan ka natulog kagabi?"

Iniwas ko ang tingin ko sakanya.

"Basta. Kamusta ang lagay nila?" pagiiba ko sa usapan.

"Ayos na sila. Naubusan sila ng lakas kaya hindi parin gumigising."

"Sige. Kapag gumising na sila, kontakin mo agad ako. Kailangan natin silang mailabas agad dito. Wag na wag kang lumabas, bantayan mo silang maigi. Kung inaantok ka.. siguraduhin mong naka lock ang pinto."

"Alexa, kumalma ka. Walang mangyayaring masama sakanila." nag aalalang sabi ni Jay.

"Mabuti na ang sigurado. May mga binili akong prutas at pagkain mo para hindi ka na lumabas labas."

"Saan ka ba pupunta?"

"May aasikasuhin lang ako." seryosong sabi ko.

"Mmm. Sana hindi mo ikapapahamak yan."

Umiling ako.

"Nga pala. N-Nasilip mo na ba si Xianna?"

Tumango ako. Mabilis na nangilid ang luha ko kaya tumalikod agad ako. Saktong pagtalikod ko ay nagkatinginan kami ni Travis. Nakakunot ang noo niya kaya nginitian ko siya ng peke at humarap ulit kay Jay.

"Mag iingat ka, Jay. Alis na ko." tinapik ko ang balikat niya.

"Ugok. Ikaw ang mag ingat!"

"Mmm."

Dire diretso na kong nag lakad pa alis.

_

_

Travis' POV

Naka alis na si Alex at naiwan kaming dalawa ni Jay.

"Travis, right?"

"Yes. Travis Enriquez."

"Hmm. Tutal mukang magkaibigan naman kayo ni Alexa.. pwede mo ba siyang sundan?"

dO__Ob

Bakit ako?!

"B-Bakit?"

"Kasi baka mapahamak 'yon eh. Puro paghihiganti pa naman ang nasa utak niya. Tsaka tawagan mo 'ko kapag may nangyari."

Di pa nga ako pumapayag?!

"Ah. S-Sige."

"Eto number ko." Sabi niya at binigay sakin ang papel.

"Sige."

"Ingat."

Mabilis akong lumabas sa hospital at nakita ko si Alex na nag-aabang ng masasakyan kaya sumakay agad ako sa kotse ko. Saktong may dumaang jeep at sumakay siya doon.

Kinaliwa ko muna ang sasakyan ko para hindi niya 'ko makita. Nakatingin pa naman si Alex sa mga sasakyan. Baka mapansin niya ang kotse ko.

Bumaba na siya sa jeep kaya pinark ko muna ang kotse ko sa gilid. Nilingon ko muna si Alex bago ako bumaba at sakto namang nakatalikod siya sakin.

Bumaba na 'ko at sinundan siya. Pumasok siya sa masikip na daan. Nag dadalawang isip ako kung papasok din ba ko dun dahil baka bigla siyang lumingon sa likod at mahuli niya ko.

Hold You TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon