Alex' PoV
"May gusto ka pa bang malaman?" walang emosyong tanong ko habang kumakain.
"Wala na. Kilalang kilala na kita."
Natigilan ako sa pag subo at kunot noong tumingin sakanya.
"Dapat ka na nga talaga dumistansya sakin."
"Kung kailan alam ko na ang lahat sayo saka pa 'ko didistansya?"
"Tss. Alam mo bang nagtataka ako kung bakit ka pa dumating sa buhay ko?" Wala naman siyang silbi. Tss.
"A-Ako din naman."
"Tsk. Baka ako pa ang sisihin kapag namatay ka."
Simamaan niya ako ng tingin at nginisian ko naman siya. Masyado pang pikunin ang kingina.
Tinuloy ko ang pag kain at sumilip sa bintana. Nakuha ng atensyon ko ang itim na van na katabi lang ng bus na sinasakyan namin.
Hindi ko alam pero may kutob akong pati dito ay susundan kami ng malas. Tsk.
Bumaling ako kay Travis na nakasimangot na ngayon.
"Anong oras tayo makakarating dun?"
"Walang sinabing oras pero bababa pa daw tayo maya maya para kumain." nakasimangot pa ring sagot niya. Dinadamdam pa rin yata ang sinabi ko kanina. Pfft.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Mabuti at hindi pa kami masusundan sa kung saan man kami pupunta.
"Good."
"Anong good? Kumakain ka na nga, gutom ka pa rin?"
"Oo. Gusto kong kumain ng kanin." pagsisinungaling ko.
"Ang takaw mo naman." pang-aasar niya pa.
Matapos kong kumain ay sumandal ako at pasimpleng sumilip sa itim na van.
"Ano bang tinitignan mo diyan?"
"Wala."
Mariin kong ipinikit ang mata ko. Sa hindi ko malamang dahilan ay nakaramdam ako ng inis.
Sana ay hindi na lang ganito ang takbo ng buhay ko.
Paulit-ulit. Walang katapusang problema. Nakakasawa na din pala.
Naputol ang pag-iisip ko nung may maramdaman akong matang nakatingin sakin.
Tinignan ko agad si Travis pero nakapikit din siya. Kaya naman mabilis akong tumingin sa bintana at nanlaki ang mata ko nung nakabukas na ang bintana ng van.
Hindi nakatingin sa akin ang lalake pero alam kong nakangisi siya!
Mukang pamilyar sakin ang mukha niya--
dO__Ob
Nanigas ako bigla nung tuluyan nang humarap ang lalake sakin at naalala ko naman agad kung sino siya!!!
"Kanina ka pa tingin ng tingin diya---"
Mabilis kong hinablot ang kurtina at sinara ang bintana bago pa tuluyang sumilip si Travis.
"Oh?! Bat bigla mong sinara?!" pabulong ngunit inis na tanong ni Travis sa akin.
"'Wag mong subukang sumilip sa bintana." mariing bulong ko sakanya.
Mabilis kong hinawi ang kurtina at sumilip. Nakangisi pa rin sakin ang gago na 'to!
"Vaffanculo!" I mouthed habang nakataas pa ang gitna kong daliri para siguradong naintindihan niya ang sinabi ko.
