Chapter 11

2.3K 43 0
                                    

Travis' POV

"Good morning mom, dad." nakangiting bati ko sakanila, umupo agad ako sa harap ng hapagkainan. Ang aga aga may fried chicken.

"Good morning lil' brother," sarkastik na bati sakin ni Trinity. Hindi ko siya pinansin at nagsimula na akong kumain, "Hey snobber! Wala ka namang gagawin sa Saturday diba? Samahan mo 'ko sa mall!"

"Magpasama ka sa boyfriend mo. Makipag video call ka habang naglalakad," sagot ko habang ngumunguya.

"Rav. Samahan mo na 'yang ate mo," utos ni dad sakin, natigilan ako sa pag kain at nag-inarte sa harap nila.

"Dad, I still have a lot of things to do--"

"No buts lil' bro! See you on Saturday!" pang-aasar niya pa at saka patakbong umalis. Bumuntong hinininga ako at binilisan ang pag kain para makaalis na.

..

Pagkapasok na pagkapasok ko sa gate.. nagkukumpulan na agad ang estudyante sa gilid. Hindi ko na lang sila pinansin at nag tuloy tuloy sa pag lalakad. Halos lahat ng estudyanteng makikita ko may hawak ng cellphone.

"Pre! Nabalitaan mo na ba?!" bungad sakin ni Calvin.

"Yung ano?" inosenteng tanong ko sakanila at saka ibinaba ko ang bag ko. Tinapat sakin ni Ivan ang phone niya, nag-iwas agad ako ng tingin matapos makakita ng naghahalikan, "Mga gago talaga kayo, ang aga aga nanonood ng porn."

Nagtawanan sila, "Tangina pre, eh ikaw nga 'tong ang aga aga nagpapasabog ng ganito," kumunot ang noo ko at napansin kong sakin lahat nakatingin ang halos lahat ng nakapalibot na estudyante. Anong ginawa ko?!

Hinablot ko kay Francis ang cellphone niya, putangina ako ba 'to?! Tiningnan ko kung sinong hayop ang nag post nito at laking gulat ko na lang nung makita kong si Alex mismo ang nag post.

"Pre madaming posers na nagkakalat ngayon, madali lang makagaw ng account," pangungumbinsi pa ni Francis pero sapat na sakin ang nakita ko, malamang ay 'yon ang ganti sakin ng babaeng 'yon.

"Sino pa bang pwedeng gumawa nito?!"

"Si Nathan?"

"Imposibleng siya 'yan, pisikalan kung gumanti ang gagong 'yon!" nanggigigil na sabi ko, sinasamaan ko ng tingin ang lahat ng nakatingin sakin.

"Si Alex din naman-- hoy pre! Saan ka pupunta?!"

_
Alex's POV

Nakakapagtakang napakaraming students ang nakatambay agad dito samantalang napakaaga ko ngang pumasok ngayon. Ramdam ko ang mga matang nakatitig sakin kahit nakayuko ako habang naglalakad, ako nanaman ang topic of the day ngayon. Entrance palang grabe na makatitig. Ako yata ang hinihintay ng mga-- oh, si Travis mukang nagmamadali, sakin din yata 'to nakatingin.

Huminto sa mismong harap ko si Travis kaya napahinto na din ako, halos mag-apoy na sa galit yung mga mata niyang nakatingin sakin. Tangina, ano nanaman bang nangyayari dito? "Ano pa bang gusto mo at hindi mo pa 'ko tinitigilan?! Pera ba?! Sabihin mo lang, isasampal ko sayo--"

"Ha? Bakit?" nagtatakang tanong ko. Pilit kong inaalala kung may ginawa ba 'ko sakanya, wala naman. Hindi kaya may nantrip sakanya at ako ang sinisisi nito?

"Anong bakit?! Maglolokohan pa ba tayo dito?! Putangina, uhaw ka talaga sa atensyon!"

Bumuntong hininga ako at pilit kong inintindi kung ano man ang kinagagalitan niya ngayon, "Wala akong ginawa, okay tayo nung mga nakaraang araw."

"Oh talaga?! Ano 'to?! Sige nga, sabihin mo sakin kung paano mo itatangging hindi ikaw ang nag post nito!" iniharap niya sakin ang hawak niyang cellphone at halos mabulunan ako sa sariling kong laway ng makakita ako ng naghahalikan.

Hold You TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon