Alex' PoV
Agad naming dinala sa hospital si Travis matapos nung mangyari kanina. Nandito ako ngayon sa labas ng hospital at umiinom ng alak.
Nung matapos kong maubos ang tatlong bote ay pumasok na ulit ako sa loob ng hospital.
Naabutan kong gising na si Travis at hindi siya makatingin ng diretso sakin
Bumaling naman agad ang nurse sa direksyon ko.
Kung ano anong sinasabi ng nurse, at ni-isa ay wala akong pinakinggan. Gising naman na si Travis.
"Pwede na ba kami makaalis ngayon?" pagtatanong ko sa nurse.
"Kakasabi lang sayo, Alex." bigla namang sabat ni Travis.
"Ikaw ba ang tinanong ko?"
Umiling iling siya at nagiwas ng tingin.
"Makakalabas ka na." baling ko sa nurse, "Tumayo ka na diyan. Aalis na tayo." utos ko kay Travis pero hindi siya kumibo. Nakakunot ang noo niya, mukhang malalim ang iniisip. "Kailangan na nating umalis Travis. Baka hinahanap ka na sainyo at may pupuntahan pa ako."
Hindi nanaman siya sumagot, napabuntong hininga na lang ako at nag-iwas ng tingin. Wag na sana siyang mag tanong pa tungkol sa nangyari kanina dahil hindi ko na kayang mag salita pa. Nakakapanghina ang lahat ng narinig ko mula kay Adrales. Hindi kapanipaniwala.
Hindi ko alam kung kaya kong ituring na ama si Reyes. Alam kong hindi niya sinasadyang mangyari ang lahat pero isa pa rin siya sa nagpahirap sa amin ni mama.
Sa ngayon, ang gusto kong tapusin ay walang iba kundi si Adrales. Nagsimula ang lahat sakanya, nagulo ang buhay ko dahil sa ginawa niya, naging tarantado ako dahil sa kahibangan niya.
Napaka simple ng dahilan niya para pumatay at manira ng pamilya! Gusto kong iparanas sakanya lahat ng paghihirap ko pero pagkaharap ko siya ay nananaig pa rin ang konsensya.
Hinding hindi ko papalagpasin ang ginawa niya sa nanay at kapatid ko--
"Ayos ka lang?"
Natigilan ako sa pagiisip nung biglang nagsalita si Travis. Hindi ko namalayan na nakakuyom na pala ang kamao ko at nanginginig.
Nag-aalala ang tono ng pagkaka tanong niya. Hindi agad ako nakapagsalita.
"Ayos ka lang ba?"
"O-Oo naman."
Bigla siyang tumayo at naglakad papalapit sakin. Tinaasan ko siya ng isa kong kilay.
"Psh. Amoy alak ka. Tara na, mag taxi na lang tayo pauwi." pag aaya niya at tumango na lang ako.
Ini-stretch ko muna ang braso ko bago buksan ang pinto.
"Hindi na kailangang mag taxi. Nasa parking lot na netong hospital ang kotse mo."
"Paanong napunta dun ang kotse ko?!"
Napaawang naman ang labi ko dahil sa tanong niya! "Lumipad yung kotse mo! Pati rin ata ang utak mo ay lumipad na."
*POINK!*
dO__Ob!!
"Aray ko!" pasigaw na sabi ko at hinimas pa ang noo ko!
"Ang arte. Ang hina hina lang nun."
"Anong mahina?! Eh kung ikaw kaya kutusan ko?!"
"Pano kase, nagtatanong ng maayos tapos ganun ang isasagot mo!"
