Alex' PoV
Dahan dahan kong binuklat ang mga mata ko at bumungad sakin ang puting pader. Inilibot ko ang paningin ko..
Kinuyom ko ang kamao ko nung malaman ko kung nasaan ako!
Pilit kong inaalala ang nangyari kung bakit ako napunta dito..
*Flashback*
"*BANGG!!*"
"*BANGG!!*"
"*BANGG!!*"
Naramdaman ko ang pamamanhid ng katawan ko at unti unti akong bumagsak sa sahig..
Kahit hinang hina na ang katawan ko pilit ko pa ring tinignan kung sino ang bumaril sakin..
Si Adrales..
*End of flashback*
Pinilit kong maka-alis sa kama pero nakatali ang mga kamay at paa ko..
"Ija.. "
Napasinghap ako ng hangin nung marinig ko ang pamilyar na boses..
"Kamusta ang lagay mo?"
Hindi ako makasagot. Nakatitig lang ako sakanya habang nanginginig dahil sa kaba.
Wag sana siyang magalit..
Lumunok muna ako bago magsalita.. "Ayos lang ho ako. Sinong nagdala sakin dito?" kahit kinakabahan ako ay pinilit kong gawing matapang ang boses ko.
"Yung tatlong lalake at isang babae, dinala ka nila sa hospital pero agad kitang kinuha. Tsaka mga kaibigan mo daw sila. Nung nabalitaan ko sa kuya mo ang nangyari sayo.. pumunta agad ako doon sa nasabing hospital at dinala kita agad dito sa pamamahay ko. Wag kang mag alala dahil maraming nagbabantay sayo dito."
Mabuti naman at wala ako sa hospital.
Iniwas ko ang tingin ko sakanya. Kinuha niya ang mansanas sa table at dahan dahang hiniwa iyon.
"H-Hindi pa naman ako napapalitan diba?" alanganing tanong ko kay lolo.
"Buhay ka pa."
Napatango ako nung maintindihan ko ang sinabi ni lolo.
"Sana wag mong kalimutan ang pinangako mo samin ng Lola mo."
"Mmm. Kilala mo ba ang tatay ko?" diretso kong tanong at nanlaki naman ng kaunti ang mata niya.
"Oo, kilala ko. Pero ayokong pangunahan ang tatay mo na sabihin sayo kung sino siya, baka makasira pa 'ko sa plano niya."
"Anong plano? Para saan?" takang tanong ko.
"Basta."
Napapikit ako ng mariin dahil sa inis!
Bakit ba kailangan isikreto pa?! Pinasasakit niyo ang ulo ko!
Bigla siyang tumayo at tatalikod na pero..
"L-Lo.. Si Xianna."
"Alam ko." walang emosyon niyang sabi.
"H-Hindi ho kayo galit sakin?"
Iniwas niya ang tingin niya sakin. "May kailangan pa akong asikasuhin, ija. Magpahinga ka na."
"Saglit lang lo.. W-Wag mo palang papapasukin si tito at kuya dito."
Kunot noo niya akong tinignan. "Bakit?"
Baka sila pa ang makapatay sakin.
"Basta. Ilang araw na 'ko dito?"