Chapter 37: make her happy pt. 2

1.6K 41 1
                                    

•Part 2•

Travis' PoV

"Gaya gaya." nakasimangot na sabi niya matapos makita ang nabili kong damit.

d--,b

"Pake mo?"

"Nasa bundok, hanapin mo."

"Huh?"

"Pfft. Wala."

Nakangiti kong tinignan ang ternong suot namin ni Alex.

' Bagay.. hehehe. '

"Bilisan mo naman mag lakad. Napaka bagal." pagrereklamo niya pa!

Nag make-face ako at inunahan siya sa paglalakad.

Simula nung matapos kaming kumain kanina hanggang sa makabili kami ng sweater ko, wala kaming ginawa kundi mag asaran.

Pero okay na rin yun, kasi sa tuwing nakikita niya akong naaasar, tumatawa siya.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Wala nang nag balak na mag salita samin hanggang sa makarating kami sa national bookstore.

"Anong bibilin mo dito?" seryoso nanamang tanong niya!

Naiinis ako kapag seryoso siya! Hindi man lang ngumiti!

"Pagkain!" pamimilosopo ko.

"Pfft. Tinotopak ka nanaman."

Hindi ko na siya pinansin at tumalikod. Kunwaring tumitingin tingin ako ng mga ballpen habang pasimpleng tumitingin sakanya. Kunot noo siyang nakatitig sa cellphone niya habang nag ta-type.

Maya maya pa, ibinulsa niya ang cellphone at humarap sakin.

Nag sulat sulat ako kunwari sa papel para hindi niya mapansing tinititigan ko siya.

"Travis."

"O-Oh?"

"Kailangan ko nang umalis." malumanay niyang sabi.

"Bakit?!"

"Tinext ako ni K-Kurt kanina, may pag-uusapan daw kaming importante."

Sinamaan ko siya ng tingin!

Hindi niya ba nahahalata na pasimple siyang tinatraydor ni Kurt?!

"Ayoko! Dito ka lang!"

"T-Travis.. Importante nga kasi yun."

"Edi sige! Bahala ka sa buhay mo!" padabog na sabi ko at saka nag lakad pa-alis!

Kinginang Kurt na yan! Mamamatay tao!

Nakakainis! Nilayo ko nga siya kay Kurt kanina tapos may balak pa siyang puntahan ngayon!

"H-Huy."

Halos mapatalon ako sa gulat nung hawakan niya ko sa braso! Huminto ako sa paglalakad at inis na nilingon siya!

"Oh?! Akala ko ba pupuntahan mo pa yang Kurt mo. Kasi nga may importanteng sasabihin daw sayo?!" sarkastik na tanong ko.

Bumuntong hininga siya at kinamot ang noo. "Ano bang problema mo? Nagpapa alam nga ako ng maayos tapos ganyan ka naman." mahinahon nanamang sabi niya.

"Oo na nga eh! Pinapayagan na kitang umalis!"

"Eh bakit parang galit ka pa?!"

Hold You TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon