Alex' PoV
"Anong nangyayari diyan, Cristobal?"
Mabuti na lang at nagtanong si sir, kundi ay baka wala akong maisagot sa mga nang-aasar na tingin ng mga kaklase namin, "Winarningan tayo ng lalakeng 'yon, sir. Para makaalis tayo sa lugar na 'to. Tara na, umalis na tayo dito."
Sabay sabay silang nag hala pati na rin si sir at ma'am. Nagsimula na akong maglakad para makaiwas ako sa mga tanungan nila.
"Bakit? Ano namang mangyayari kung hindi tayo aalis dito?" tanong ng isa kong kaklase.
Sumunod silang lahat sakin at napasimangot naman ako, "Kung sino lang yung may gustong umalis ang susunod sakin, kung ayaw niyo bahala kayong mabulok dito. Bilisan niyo nang kumilos bago pa.." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. Hindi ko naman kasi alam kung anong idudugtong ko. Tch. Pumasok ako sa loob ng kubo namin ni Kaitlyn at kinuha ang backpack ko.
"Students, iligpit niyo na ang mga gamit niyo!" dinig kong sabi ni sir, nakahinga naman ako ng maluwag nung narinig kong nagsikilos agad sila.
"Alex, saan naman tayo pupunta? Pano kung maabutan nila tayo? Sino ba kasi ang mga 'yon?" sunod sunod na tanong ni Kaitlyn nang makapasok siya sa kubo. Halatang kabado talaga siya dahil sa panginginig ng kamay niya.
Bakit pa kasi kailangang dito pa mangyari 'to? Sana lang wala ako maipahamak sakanila.
"'Wag kang mag-alala kumikilos yung mga kaibigan ko."
Lumabas na ako ng kubo at hinanap ng paningin ko si Travis, nagkatitigan kami. Kasama niya na ang mga kaibigan niya na nakahanda na para umalis. Nilapitan ko sila, "Andami mong dala kanina, saan na napunta yung iba?" tanong ko kay Travis.
"Nasa tiyan na natin. Puro pagkain lahat 'yon eh." natatawang sabi niya at inirapan ko habang nagpipigil ng tawa
"Natatawa tawa pa kayo riyan, kanina lang ay nag panic kami dahil sainyo. Ano ba talagang gusto niyong mangyari, ha?!" inis na tanong ng tatlo naming kaklase.
Magsasalita na sana ako pero biglang namang tumunog ang phone ko, inilabas ko agad ang cellphone ko at sinagot ang tawag. Niloud speaker ko para marinig din nila.
"Alex, si Jay 'to! Nasunog namin yung isang helicopter pero dalawa pala ang tanginang helicopter nila at lumipad na yung isa papunta diyan! May hinala na pala sila na gagawin namin 'yon!"
"Nasaan kayo?" nagmamadaling lumayo ako sakanilang lahat.
"Malapit na kami diyan! 'Wag mo nang alalahanin ang mga Salvatore, sinugod na namin sila kanina. 'Wag din kayong sasakay sa kahit anong sasakyan kasi 'pag naabutan nila kayo, sabog kayong lahat diyan."
"Tangina, Jay kailangan pa naming sumakay ng bangka. Kung kayo ang sasakay ng bangka para puntahan kami, kayo naman yung mapapahamak." Narinig ko ang sunod sunod na pagmumura nila. "Ganito na lang, itetext kita kapag kailangan niyo nang sumakay ng bangka. Ako na ang bahala."
"Ano ba Alex! Madami kayo diyan at mag-isa ka la--"
"Ako na ang bahala, Jay. Ako na. Sundin mo na lang ang utos ko, ingat sa pagd-drive." madiing sagot ko at agad kong in-end ang tawag.
Itinago ko agad sa bulsa ang cellphone ko at tinignan ang mga kaklase kong kabado na naghihintay kung ano ang gagawin nila. Pinilit kong mag-isip kung anong pang pwedeng paraan para makaalis kami dito ng ligtas.
"Ano pang hinihintay niyo? Sumakay na kayo!" nanlaki ang mata ko nung makita ko sila sir na nakasakay na sa bangka. Hinawakan ni Travis ang kamay ko pero hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko dahil iniisip ko na ang lahat ng pwedeng mangyari mamaya hanggang sa makaisip ako ng paraan.
![](https://img.wattpad.com/cover/135936807-288-k578324.jpg)