Chapter 50

1.2K 27 1
                                    

Travis' PoV

"Hindi na nga natatakot, nang-iirap naman." pagpaparinig ko sakanya.

Nakakatuwa na nga yung sinabi kanina, babaguhin pa. Wala talagang chance na magbago yung ugali nito.

Malakas kong pinisil ang ilong niya dahil sa inis ko.

"Aray-- tsk"

Binitawan ko agad ang ilong niya, napansin kong may tinitigan siya sa bandang likod ko kaya nilingon ko din. Wala naman akong nakita na kakaiba doon.

"Bakit?"

"Pakiramdam ko may nakatingin sakin eh."

Lumingon ulit ako, "Wala naman."

"Hayaan mo na."

"Sigurado ka?"

Tumango siya. Bumuntong hininga ako at nakinig na sa nagsasalita. Napansin kong halos lahat ay may kanya kanyang ginagawa at hindi nakikinig.

Makalipas ang ilang minuto ay ako na ang susunod. Kinabahan ako nung umayos silang lahat ng upo at tutok na tutok na sila sakin.

"Una kong sinulatan ay yung family ko," pagsisinungaling ko, "syempre nagpasalamat ako para sa lahat lahat. Kahit madaming pagsubok, kinakaya namin. Ang pinaka malala na nangyari sa pamilya namin, yung sabay na naaksidente si mama tsaka si papa dahil sa work nila tapos pinasok ng mga armadong lalaki yung bahay namin. Magkasabay lang na nangyari, parang planado. Kami lang dalawa ng kapatid ko at yung mga kasambahay ang nasa bahay noon. Kinuha nila yung isang kasambahay namin at hanggang ngayon ay wala pa ring may alam kung nasaan siya, may mga kinuha silang gamit nila mama at papa pero hindi naman nila kinuha ang mga mamahaling gamit namin sa bahay. Mabuti na lang ay hindi kami ginalaw ng mga 'yon."

"Nakita mo ba yung mga mukha nung mga armadong lalake?" biglang tanong ni Alexia

"Oo, ipinadrawing pa 'yon sa mama ko."

"Kamusta naman ngayon ang mama at papa mo?" si sir

"Maayos naman po. Tuloy pa rin daw yung paghahanap sa kasambahay namin. Mga 1 week pa nga lang siya na nag-stay sa bahay namin eh, tapos nadamay agad," kinuha ko na ang susunod na letter, "sunod ko namang sinulatan, yung mga kaibigan kong mga abnormal."

"Laglagan pala ha!" si Ivan. Nginisian ko slya.

"Salamat kasi never nakarating sa parents ko yung mga pinag gagawa ko dito sa school. Kahit mga gag-- I mean, mga abnormal kayo may silbi naman kayo kahit kaunti."

"Ikaw nga wala-- Joke lang hehe." si Calvin.

"Hoy, halos ubusin niyo nga ang pera sa wallet ko tapos walang silbi?! Anak ng--"

"Mamaya na nga kayo mag-away." si Kaitlyn.

Kinuha ko na ang next na letter para kay Alexia, "Itong sunod, ayokong sabihin yung pangalan kung para kanino. Gusto ko lang naman mag thank you sakanya kasi pinaramdam niya sakin yung mga bagay na never kong naramdaman dati. Gusto kong sabihin sakanya na guilty ako sa mga ginawa ko sakanya dati at sana maging okay na siya soon."

"Maging okay na? Bakit? May sakit ba siya?" parang nang-aasar na tanong ni Kaitlyn sakin.

"P-Parang ganon na nga hehe." pagsisinungaling ko.

"Clue naman kung sino 'yan Travis."

"A-Ano.. Babae siya."

"Clue ba yan? Obvious naman na babae eh."

"Edi.. g-gusto ko siya."

Nagsitilian ang ibang babae, yung iba parang nalungkot. Naghiyawan naman yung mga kaklase kong lalake lalo na 'tong nga kaibigan ko.

Hold You TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon