Chapter 23

1.9K 41 0
                                        

[UNEDITED as of 08/05/23]

Jay's POV

Tahimik kong pinagmamasdan si Barbie at Grace na nakahiga sa kama.

Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari sakanila! Kung hindi lang sana ako nagmamarunong na pumasok sa eskuwelahan, maililigtas ko sila!

Kanina ko pa hinihiling na sana hindi magalit sakin si Alexa. Alam kong hindi siya basta basta nagagalit o naninisi pero galit ang nararamdaman niya ngayon kaya posibleng maibuhos niya sakin ang galit niya.

Madadagdagan nanaman ang problema ni Alexa dahil alam kong makakarating sa lolo at lola nya ang nangyari.

Sana wag siyang sumuko.

Grabe na ang pinagdadaanan ni Alexa sana matapos na ito. Hindi na normal sa isang 4th year high school ang pinagdadaanan niya. Puro patayan. Sana wag niyang maisip na magpakamatay o kung ano man yan.

Malakas at matapang si Alexa kumpara sa ibang babae na nakikita ko sa school na puro kaartehan ang pagmumuka. Pero kahit anong kalakasan at katapangan ang ipakita niya.. tao rin siya, na nasasaktan at dadating ang panahon na susukuan niya ang lahat ng pagsubok sa buhay niya.

Ganito rin ang nangyari noon.. magkasunod na namatay ang mama at kapatid niya. Wag naman sanang makapatay ulit si Alex ngayon.

Nakapatay nga ba talaga siya noon? Pakiramdam ko kasi buhay pa si Axel Reyes.

Pero si Alexa na mismo ang nag sabing nabaril niya ng ilang beses si Axel sa dibdib kaya imposibleng maka ligtas pa siya.

May namumuong ideya sa isip ko pero hindi ako pwedeng magpa dalos dalos na sabihin kila Alexa kasi hindi ko pa naman sigurado yun. Kailangan ko ang tulong ni Travis para malaman iyon.

Naputol ang malalim na pag iisip ko nung biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun si xander, ang kuya ni Alexa.

_

_

Travis' POV

Kakatapos lang namin mag practice ng basketball. May practice ngayon kasi hindi kami nakapag practice kahapon. Hindi pumasok si Alex kaya nagalit ang prof namin.

Dali dali akong pumasok sa sasakyan ko at nag maneho papuntang hospital.

Pinagdadasal ko na sana nandun si Alex.

Nagtataka ang mga kaibigan ko kung bakit tinulungan ko si Alex kahapon at sinabi ko rin sakanila na magkaibigan na kami.

Bakit?

Kasi bago kami pinapunta sa principal's office, nalaman ko na kung sino ang baliw na naguupload ng kung ano anong video. At sila angel iyon!

Paano?

Nahuli ko lang naman sila sa Internet lab na nag eedit ng picture habang tumatawa sila. Binalibag ko ang upuan at pinagbantaan ko sila na 'Sabihin niyo sa lahat ng estudyante na kayo ang may kagagawan niyan! Kapag hindi niyo yun ginawa ipapahiya ko kayo at papalayasin ko kayo sa school namin!'

Habang sinasabi ko yun bilib na bilib ako sa sarili ko kasi natakot sila.

d^_^b

Ano kayang itsura ko nun?

Maya maya pa nakarating na ko sa hospital at dali daling pumasok sa loob.

Bukas ang pintuan ng kwarto nila kaya lumapit ako ng kaunti.. may naririnig akong naguusap sa loob kaya mas lumapit pa ko.

_

_

Jay's POV

Mabilis niyang hinawakan ang kwelyo ko at ngumisi ako.

"Sabihin mo sakin kung anong plano ni Alexa sa pamilya namin!!" pasigaw na sabi ni Alexander.

Hindi na talaga niya tinuturing na kapatid si Alexa.

"Plano? Wala siyang plano eh. Baka kayo ang merong masamang plano kay Alexa?"

Mas hinigpitan niya ang pag hawak sa kwelyo ko.

"Tangina! Sabihin mo na lang kung ayaw mong madamay!"

"Matagal na 'kong nadamay sa gulong 'to at alam kong alam mo yun." nakangising sabi ko at nanlaki ang mata niya pero hindi niya pinahalata.

"Gusto mo talagang idamay 'yang sarili mo!"

"Hindi ba't ikaw ang nagtangkang pumatay kay Alexa noon." mas lalong nanlaki ang mata niya at nabitawan niya ang kwelyo ko. "Kapag nalaman ni Alexa iyon, ihanda mo na ang sarili mo kasi... Dadalhin ka niya sa impyerno."

Mabilis niyang tinaas ang nakakuyom niyang kamao pero kusang tumigil iyon nung tinitigan ko siya ng masama.

"Takot ka na ba? Pagbibigyan kitang padapuin ang nanginginig mong kamay sa pisngi ko pero pagbigyan mo rin akong sabihin kay Alexa ang lahat ng nalalaman ko." paghahamon ko sakanya. "Baka hindi mo alam.. may tauhan ako sa kumpanya mo kaya lahat ng kinikilos mo nalalaman ko."

"Tangina kaya pala!! Kaya pala sa tuwing kakantiin namin si Alexa noon, lagi kang nasa tabi niya! Pucha anlakas ng tama mo sa kapatid ko 'no?! Subukan ko ngang paglayuin kayo."

Hindi ako nakasagot.

Ayoko ng mawala sa paningin ko si Alexa!

"Paglayuin? Bakit? Kontrolado mo ba 'ko?"

Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang kalmadong boses ni Alexa.

Napangiti ako sa hindi ko malamang dahilan. Nakita ko si Travis na nasa likod niya.

"Anong pinagsasabi mo sa kaibigan ko?" tanong ni Alexa kay Xander.

"Ah' yon ba? Sinabi ko lang naman na kapag nalaman ko ang pinaplano niyo sa iba pang taong kakilala ko, hindi ako magdadalawang isip na ipapatay ko 'tong dalawang 'to." sabay turo niya sa dalawang kaibigan namin na nakaratay sa kama.

"Baka mas malakas pa ang dalawang 'yan sayo. Napakahina mo, kapit ka lang sa tauhan mo ulul. Umalis ka na dito, nagsisimula nanamang dumilim ang paningin ko sayo."

"Gago! Ikaw pa ang may karapatang magsabi niyan! Eh ikaw nga itong pumatay kila mama---"

"Umalis ka na."

"Hindi mo ko kayang utusan. Pinapaalis mo ba ako dahil nag-guilty ka sa ginawa mo sakanila?! Ha?!"

Tumingin si Alexa sa kaliwa na parang nauubusan na siya ng pasensya at biglang--

Sinapak niya si Xander.

Hindi na 'ko nagulat sa ginawa niya, ganyan siya lagi 'pag nagagalit.

"'Yan! Yan ang dahilan kung bakit gusto kitang paalisin! Tangina wag mong simotin ang pasensya ko, hindi lang yan ang kaya kong gawin sayo! Wala ako sa tamang pagiisip ngayon kaya umalis ka na!"

Hinawakan niya ang braso ni Xander at mahinang binato paalis.

dO__Ob

Ngayon ko lang napansin na madaming tao ang nagvivideo samin!

Mabilis silang nag alisan nung humarap si Alexa sa kanila.

•••••

Hold You TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon