Travis' PoV
"Bakit mo 'ko hinalikan?" walang emosyong tanong niya sakin.
"N-Nakalimutan ko na ang dahilan. Matagal na 'yon eh."
"Yung kanina. Bakit ka nanghahalik?"
Hindi ako sumagot at nag-iwas ako ng tingin sakanya.
"'Wag mo nang gagawin ulit 'yon."
Mabilis ko siyang nilingon, nakayuko siya habang ang kamay niya ay magkahawak. Hindi na rin siya nanginginig pero alam kong takot pa rin siyang tumingin sa paligid.
Saglit ko siyang tinitigan at hindi ko alam kung bakit bigla akong napangiti. Alam kong hindi ko dapat ginawa 'yon pero hindi ko mapigilan ang sarili kong matuwa. Hindi ako pamilyar sa nararamdaman ko, first time ko 'tong maramdaman at kay Alexia pa.
Ligawan ko na kaya siya?
Pero mukang wrong timing ako eh, ang dami niyang pinoproblema tapos dadagdag pa ako. Ay oo nga pala, isa rin ako sa mga problema niya.
"P-Pwede bang itry mong alisin lahat ng problema mo habang nandito tayo? Gusto kitang makita na masaya kahit panandalian lang." mahinang sabi ko.
Naghintay ako na sumagot siya pero nanatili siyang nakayuko kaya tumayo na ako ng nakangiti.
"Tara na, may activity tayong gagawin don." dahan dahan kong hinawakan ang siko niya. Napalingon siya sakin kaya nagkatitigan kami, may takot pa rin akong nakikita sa mata niya, "Tutulungan kita. Kapag natatakot ka hahalikan agad kita," nagbibirong sabi ko.
Mabilis na nagbago ang ekspresyon sa muka niya at nakasimangot siyang tumayo.
"Tumingin ka lang sa lupa, akong bahala sayo basta 'wag kang umangal kasi hahalikan talaga kita," natatawang pagbabanta ko sakanya.
Inakbayan ko siya at inilapit ko ng kaunti ang katawan niya sakin. May space sa pagitan namin pero sapat na 'yon para maamoy ko yung pabango niya.
Nang makalapit kami sa lahat ay nakuha namin ang atensyon nila. Nagsimula silang magbulungan at syempre rinig na rinig namin.
'Sabi na nga ba'
'Hala sila na ba?'
'Obvious naman, pareho pa sila ng sweater.'
Naramdaman kong medyo lumayo sakin si Alexia, hinigpitan ko na lang ang paghawak ko dahil baka bigla siyang umalis at mag panic. Sabay kaming umupo, hindi na ako nagulat nung sumulpot sa harap namin ang mga kaibigan ko kasama yung nang-aasar nilang mga tingin. Nag-akbayan pa ang mga loko loko.
"Ehem, share naman diyan oh. Ehem."
Sinamaan ko ng tingin si Calvin, "Ano nanaman?"
"Ano muna 'yan?" nakangusong itinuro niya ang nakaakbay kong kamay kay Alexia habang taas baba pa ang kilay niya. Hiyang hiya ako pero hindi ko magawang alisin.
"May phobia siya sa ganitong lugar kapag madilim." seryosong sagot ko at nanlaki naman ang mata nilang apat.
"Phobia? Bakit?"
"'Wag kang tsismoso."
"Eh bakit alam mo? Ikaw lang pwedeng tsumismis?" si Ivan.
"Oo, ako lang. Kasi mas gwapo ako sainyo."
Nagsi-ubuhan silang tatlo maliban kay Francis na seryosong nakatingin samin.
"Kung may phobia siya dito, bakit ito ang piniling lugar ng lolo ni Alex? Imposible namang hindi alam ng lolo niya."
