Kurt's PoV
Ngumisi ako matapos kong i-disarm ang lahat ng modules ng bomba. Naka dalawang strike ito, mabuti na lang ay natapos ko agad at huminto ang timer.
"You fucking bomb." pagmumura ni Francis. Tig-isa kami ng bombang madali lang naming nahanap kanina.
"Do you need hel--"
"I'm done." sagot niya agad at bumuntong hininga.
Sabay kaming umayos ng upo sa damuhan at naalala ko ang tinanong ko kanina sakanya, "What now? Anong desisyon mo?"
"Seryoso ka ba talaga?!" galit na tanong niya sakin habang nakaduro pa sa muka ko ang daliri niya. Tumango ako, "Are you crazy?! Sa tingin mo gagawin ko ang inuutos mo?!"
"Depende sayo, pero I'm planning to do something.. fun."
"No way. Kahit gaano pa kasama ang ginawa ng lolo ko, I would never do that. And don't you dare--"
Mabilis kong pinutol ang sasabihin niya, "I was just kidding, dumbass. Halos parehas lang tayo ng sitwasyon kaya naiintindihan kita."
"A-Anong ibig mong sabihin?"
"Ang tatay ko at ang lolo mo o mas kilala bilang Adrales.. ay mag kaibigan." seryosong sabi ko habang nagmamasid.
"I-Ibig sabihin--"
"Yup. They are both criminals but your lolo killed thousands of people. My father promised to himself before, he will never let his hands touch a blood of someone."
"Imposible 'yan."
"Posible 'yon. Alexiandra and my father both have the same mindset. My father suffered a lot like Alex, they badly need justice. Just like what Alex did, my father is also desperate to have a hundreds of men or goons who can kill people. That's why he joined Adrales' group and became friends with him. He also tried to join Cristobal's kaya he told me to strengthen my relationship with Alex and that's what I sincerely did pero hindi siya nagtagumpay kasi dinemonyo ni Adrales ang pamilyang Cristobal, then that's it. He told me to break up with Alex kasi wala na daw kwenta ang relasyon namin, babagsak na daw ang Cristobal."
"So gusto mo 'kong maguilty dahil sa mga pinag gagawa ng lolo ko para patayin ko siya para sainyo. Tapos ano? Ako ang lalabas na masama? Wow hahaha, am I living in a movie? This is making me really crazy." sarcastic siyang tumawa.
"You're really dumb, huh? I told you that I was just joking a while ago."
"Then what do you want me to do? Bakit kailangan mo pang sabihin 'yan sakin?!" tumataas na ang boses niya. Kaunti pa lang ang sinasabi ko sakanya pero galit na siya agad. Paano pa kaya kung sabihin ko ang lahat sakanya? Baka mabaliw na nga talaga siya.
"I want you to help me."
"H-Help?! Apo ako ng mamamatay tao! Paano kita tutulungan?!"
"I'll send your lolo to jail, that's what he deserve for killing and abusing those innocent people. And I don't need your help for that. I can do it alone." nakangisi kong sabi.
"What the-- bakit mo ba sinasabi sakin 'to?!"
"You need to open your eyes. Tignan mo muna kung gaano kasama ang lolo mo bago mo ako tulungan."
"Ayoko."
"Just by saying that.. seems like you also deserve to live in jail." kinuha ko ang baril ko sa bulsa na binigay ni Alex kanina. Pinaglaruan ko 'yon habang nakatingin kay Francis.
"W-What the hell are you doing?!"
"Alam mo ang lahat ng kademonyohan ng lolo mo pero bakit hindi ka mag sumbong sa pulis? So.. kasabwat ka. Hmm, I see." hindi na ako nagulat nung hinawakan niya ang kwelyo ko. Tinutukan ko siya ng baril sa ulo-- natigilan ako nung makita kong naglalakad na papunta samin sila Alex at Travis.
![](https://img.wattpad.com/cover/135936807-288-k578324.jpg)