Travis' PoV
Nagtago kaming apat sa likod ng pader, malapit lang kila Alex at sapat na para marinig namin silang nag-uusap. Andito sila sa gilid ng building, malayo layo 'to sa pinagbabantayan ng mga students tuwing free time.
"Gago," malutong na pagmumura ni Alex na bumungad saming apat, "Gago ka. Maiintindihan ko kung may rason ka noon kaso tangina wala, kahit ngayon nga wala kang maisagot. Kakayanin ko sanang lumaban na nasa matinong pag-iisip kung nandon ka noon, kaso wala ka. Hindi ka na nagparamdam. Alam mo ba yung pakiramdam na halos wala nang natira sa'yo? Yung pakiramdam na kahit sarili mo hindi mo na kilala?" hindi ako makapaniwalang marinig yung ganitong side ni Alex.
"I have nothing to do with it."
Hindi ko alam pero nag-init bigla ang ulo ko sa lalakeng 'to. Gago nga.
"Hindi kita sinisisi sa kahit na anong nangyari sa'kin noon. Pero tangina sana nandon ka, sana ramdam ko pa yung pagmamahal mo sa mga oras na 'yon."
Nagtataka ako kung anong nangyari sakanya noon, pero ramdam na ramdam kong hindi basta basta kung ano man yung pinagdaanan niya. Sa boses palang, parang pinipilit niyang balikan yung gusto niya nang kalimutan.
"That's it?" naikuyom ko ang kamao sa sinagot nitong Kurt. Gago nga talaga. Napayuko si Alex habang pekeng ngumingiti, hindi ko na siya nakikitang ngumingiti ng maayos. Hindi ko alam pero parang gusto kong makita lahat ng emosyon na meron siya, "I was still young at that time to help you deal with your problems."
"And you think I'm old enough to deal with it alone?"
"Ooh shit," mahinang bulong ni Calvin.
"That's not my responsibility."
Ilang segundong natigilan si Alex sa narinig niyang isinagot ni Kurt, "How pathetic I am."
"I have my reasons. It's for your own good," nauutal niyang sagot, nakakagulat lang na kahit anong reaksyon ay wala siya. Pareho silang dalawa ni Alex, bagay sila.
"Magdadahilan ka na lang para matapos na yung usapan no? Edi sige," tinanggal ni Alex ang singsing sa daliri niya at iniabot niya 'yon kay Kurt, "Ikaw na bahala kung itatapon mo, hindi ko 'yan tinanggal kasi hindi pa naman ako nakikipagbreak sayo. Binigay mo din sakin yung singsing mo nung nakipagbreak ka sakin dati diba? Ngayon, ako naman."
Ngayon palang siya makikipag break tapos andito kaming apat nanonood, tangina mga tsismoso talaga. Umalis na si Alex pero naiwang nakatayo si Kurt kaya tuloy pa rin ang panonood namin. Bumagsak ang dalawang balikat niya at hinalikan niya ang singsing bago niya ipinasok 'yon sa bulsa ng polo niya saka naglakad paalis.
Nagkatinginan kaming tatlo nina Calvin tsaka Ivan. Si Francis naman ay seryosong nanonood, pinunasan pa ni Calvin ang luha niya. Bading talaga!
Hinawakan ni Calvin ang dalawang balikat ko, "Hinalikan niya yung singsing, pre!"
Kinutusan ko siya, "Oo, nakita namin."
"May ganon pa pala ngayon! Akala ko sa TV ko lang mapapanood" sigaw ni Ivan
"Ang ingay mo, baka nandito pa yung Kurt!"
"Gago, pre! Nakakaawa si Alex!"
"Tangina tara na nga, basta tsismis ang gagaling niyo," naiinis na sabi ko at ako naman ang humila sakanilang tatlo paalis.
"Ang gagaling natin, pre. Nating apat," natatawang sabi ni Calvin.
"Kayo lang 'yon! Kayo nga ang humila sakin papunta dito!" pagtatanggi ko pa at nagtawanan sila. Nag tuloy tuloy pa ang usapan namin hanggang sa pumasok kami sa room kasabay lang namin ang lecturer. Kapansin pansin naman ang pagiging tahimik ni Francis. Nang bumaling ako sa pwesto ni Alex, walang nakaupo don. Malamang nagdadrama na 'yon ngayon.