Alex' PoV
Tumakbo agad ako nung marinig ko ang sigaw ni Travis pero hindi ko na sila naabutan!
Mabilis akong pumunta sa tawiran at saktong may dadaang motor kaya agad ko itong hinarang at tinutukan ng baril ang nagmamaneho.
"Baba!" madiing utos ko sa lalake.
Walang bakas ng takot na bumaba ang lalake sa motor niya. Hindi niya man lang tinanggal ang helmet niya bago nag lakad pa alis. Pamilyar sa akin ang hugis ng katawan ng lalake, parang nakita ko na siya noon.
Sumakay ako sa motor at may nakita akong papel na nakadikit sa salamin. Kinuha ko ang papel at binasa ang nakasulat.. 'Catanzaro Adrales (lumang gusali)'
Paano niya nalaman ang lugar na yon?!
Kaparehas ng motor niya ang motor ko, ang pinagkaiba lang ay ang kulay. Blue ito at itim naman ang akin.
Tinahak ko ang daan papunta sa dating building nila Adrales. Lugar kung saan ko pinatay si Reyes.
Hininto ko ang motor sa harap ng isang napaka laking gate. Kinuha ko ang susi ng motor at hindi ko inaasahang makikita ko ang buong pangalan ni Reyes.
Hindi ko na lang pinansin at ibinulsa ang susi. Hindi na dapat iniisip ang patay, baka mabuhay.
Agad akong bumaba sa motor at hinanda ang tatlo kong baril. Inilagay ko ang dalawang baril sa magkabilang bulsa ko at hawak ko naman ang isa. Kinasa ko muna ang baril na hawak ko bago pumasok sa loob.
May kadenang nakasabit sa gate pero wala naman itong lock. Hinila ko ang kadena at binuksan ang gate. Wala namang sumalubong sakin kaya dire-diretso lang akong nakapasok. Walang pinagbago ang lugar na ito.
Bukas ang mga ilaw kaya sigurado na akong nandito nga ang mga hinahanap ko.
Nakita ko ang hagdan kaya agad akong umakyat pataas.
Isa isang pumasok sa isip ko lahat ng mga pangyayaring naganap noon dito. Kailan ko ba iyon makakalimutan? Tss.
Nakahanda lang ang kamay at baril ko kung may mga lalakeng armado na humarang sa dadaanan ko.
Umakyat lang ako ng umakyat sa hagdan hanggang sa makarating ako sa rooftop. Hindi na ako nagulat nung bumungad sakin si Adrales at ang mga tauhan niya. Nakatutok ang mga baril nila kay Travis habang nagtatawanan. Hindi nila napansin ang presensya ko.
"Adrales."
Naputol ang tawanan nila at agad silang humarap sa gawi ko. Mga sampung segundo pang nanlaki ang mata niya bago nag salita.
"Ohh, mabuti naman at nahanap mo agad kami dito. Kailan ka pa naging matalino?" sarkastik na sabi niya at hindi ako sumagot.
Tinitigan ko si Travis mula ulo hanggang paa.. nakatali siya sa upuan. Bukod sa dugo niya sa noo na halatang pinukpok ng matigas na kahoy, ay wala na siyang iba pang sugat. Nag-aalala ang mga mata niya at kaunti na lang ay iiyak na. Nanlilisik ang mga mata kong tinignan si Adrales. Binaril ko agad sa tiyan ang lalakeng may hawak ng kahoy sa tabi ni Travis.
"Pinagsisisihan ko na hindi ko pa kayo inisa-isang patayin noon kahit napakadali lang naman palang gawin."
"Hanggang pagsisisi ka lang. Mas mauuna ang kamatayan mo kaysa sakin!" mayabang na sabi niya at ngisi lang ang isinagot ko.
Itinutok niya sakin ang baril niya at nilagyan ko naman ng silencer ang baril ko--
"Alexiandra."
