Travis' POV
Mabilis na nilapitan ni Alex yung tatlong lalake na nanginginig na sa takot ngayon!
Parang imposible lahat ng nakikita ko ngayon, Ang hirap paniwalaan! Hindi ko akalain na magagawa ng babaeng katulad ni Alex ang ganitong bagay. Ang katakutan pa nga lang ng isang lalake ang babae sa pakikipag sapakan ay napaka imposible na pano pa kaya kung ganitong pakikipagbarilan.
Siniko at pinagsisipa niya ang tatlong lalake. At hinihingal siyang napaupo sa side walk.
Mabilis kong nilapitan si Alex at umupo sa tabi niya, "O-Okay ka Lang?" tanong ko sakanya habang lumulunok pero umiling lang siya!
"Sinabi ko bang tulungan mo ko?!"
dO___Ob ?!
"H-hindi?"
"Oh! Bat mo sila pinagbabaril?! Pano na lang kung makapatay ka?!" napipikon niyang tanong!
"Ha! Anong tingin mo sakin? Hindi marunong gumamit ng baril?" mayabang na tanong ko sakanya! "Syempre naman marunong! Kahit tingnan mo pa kung saan tumama yung bala!" nakangising sabi ko.
Nilibot niya ang paningin niya sa mga lalakeng sugatan..
"Kahit sabihin mo pang hindi sila namatay.. nakita nila yang pagmumuka mo at pwede ka nilang balikan kahit anong oras. Kaya wag kang mag yabang na natalo mo sila ngayon at wag ka ring umalis sa tabi ko kung ayaw mong mamatay ng maaga."