Alex' POV
Wala sa sariling pumasok ako sa loob ng elevator matapos kong marinig ang sinabi ni Jay.Alam kong mali na hindi ko man lang puntahan si Xianna. Inaamin kong takot ako na makita siyang walang buhay kagaya ng naramdaman ko nung nakita ko si mama noon.
Tangina, kung sino pa yung tumuturing sa'kin na pamilya sila pa yung laging nawawala.
Mas gugustuhin ko pang ako na lang kaysa sila. Pagod na 'kong magkaron ng emosyon, pagod na 'kong magpanggap na kaya ko silang protektahan. Kung tutuusin nga sarili ko lang lagi yung naipagtatanggol ko.
Nang bumukas ang elevator ay bumungad agad sa'kin ang galit na galit na itsura ni kuya. Hindi ako makaramdam ng takot nang makita ko siya.
Hindi na 'ko nagulat nang hawakan niya ang kwelyo ko. Ang lahat ng kasabay ko sa elevator ay natakot at nag takbuhan paalis. Kahit isa ay walang pumigil.
"Lahat na lang nadadamay sa katarantaduhan mo! Minsan na nga lang mapunta sayo si Xianna, pinahamak mo pa! Doon mo pa pinatira kasama yung mga basag-ulero mong kaibigan!"
Malakas niyang panenermon kahit napakatahimik ng nasa paligid niya. Lumapit ang security guard sa'min kaya binitawan niya ang kwelyo ko.
"Titigil ka lang ba kapag namatay kaming lahat?! Kapag mas nauna pang mamatay 'yang kapatid mo kaysa sa'yo?!"
"Sa tingin mo titigil ako kung kailan sinimulan na ulit nila sa pagpatay kay Xianna?"
Mariin siyang lumunok at nakita ko ang takot at kaba sa mata niya.
"Patay na siya at hindi ako magdadalawang isip na makipag patayan kahit kadugo ko pa yung pumatay--"
Tatlong magkakasunod na sapak ang natanggap ko bago ko pa matapos ang sinasabi ko.
Habang hawak siya ng mga security guard, pinilit kong tumayo at tumakbo palabas kahit umiikot ang paningin ko.
Kahit wala na 'kong lakas ay nilakad ko simula sa hospital hanggang sa sementeryo. Hindi ko alam kung ilang oras akong naglakad, nakaramdam lang ako ng pananakit ng paa at panga nang makarating ako sa sementeryo.
Mabilis kong tinungo ang daan papunta sa puntod nila mama. Binuksan ko ang pintuan at pumasok sa loob. Araw-araw kong dala ang susi nito kahit noong nasa ibang bansa ako.
Napaupo ako sa tiles at tiningnan ang pangalang nakaukit sa semento. Kinuha ko ang larawan ni mama at pinunasan ang alikabok nito. Ngayon lang ulit ako nagkaron ng lakas ng loob na pumunta rito at makita ulit ang mukha niya kahit sa picture lang. Sobrang ganda niya, hindi pa siya tumutungtong ng 40 nang bawian siya ng buhay.
"Sorry, ma. Ngayon na nga lang ulit ako dumalaw sainyo tapos sinira ko pa yung nag-iisang pangako ko."
Sumandal ako sa pader at muling nakipag titigan sa larawan ni mama.
"Pagod ba 'tong nararamdaman ko, ma? Ang alam ko lang na pakiramdam ay inis, pikon, galit, tsaka matinding galit. Pero kung pagod 'to, ayos lang. Kaya nga ako pumunta rito, e. Payakap naman, ma."
Hindi ako nagsalita ng ilang segundo para pakiramdaman ang paligid ko pero wala.
"Galit ka rin ba, ma? Hindi ako marunong tumupad sa usapan, 'no? Pasensya na, lumaki akong gan'to. A-Ako pa mismo ang dahilan ng pagkamatay niyong tatlo. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang humantong sa ganito yung kagustuhan ko noon na makalaya si papa. K-Kalayaan at hustisya lang naman kasi yung gusto ko ma, bakit kailangang mawala pa kayo?"
Nang biglang humangin ng malakas, sunod sunod nang tumulo ang luha ko. Parang gusto kong pakawalan lahat ng bigat sa dibdib ko. Halos hindi ko na mapangalanan kung anong nararamdaman ko ngayon. Nagwawala yung isip ko pero yung katawan ko hindi ko maigalaw at parang sumusuko na.
"Gusto kong matulog, ma. Alagaan mo 'ko please, kailangan ko ng lakas para bukas."
Dumilim ang paningin ko at unti unti akong bumagsak sa kinauupuan ko.
_
Travis' POV
Lumabas ako sa hospital at sumakay sa kotse ko. Pero bago ko i-istart ang kotse ko may napansin akong kwintas sa tabi ko.
Dinampot ko ito at tinitigang mabuti. May letter 'X' ito at may pa-krus sa gitna. Mukhang totoong silver 'to tsaka ang angas ng disenyo.
Ang alam ko may suot suot kanina si Alex na kwintas sa hospital kaya hindi naman ata sakanya 'to. Pero siya lang naman ang sumakay sa passenger seat.
Ipinasok ko na lang 'yon sa bulsa ng uniform ko at nag simulang mag maneho.
..
Pagkauwi ko ay naabutan kong umiiyak si Trinity habang pinapatahan naman siya ni manang.
"What happened, nang?"
"Aba, nakipag hiwalay ulit sa boyfriend. Ayan, kagabi pa iyak nang iyak, kung hindi ko pa inakyat, hindi ko pa malalaman."
Hindi rin maganda ang araw ko ngayon kaya mas mabuting si manang na muna ang kumausap sakanya.
"Take care of her for me, please po. Bukas ko na lang siya kausapin, pagod pa po ako sa training," pagsisinungaling ko.
Paakyat palang ako nang dumating sila mom and dad. Nakangiti sila bago nila makita si Trinity, mabilis naman na niyakap ni mom si Trinity without asking any questions.
"Anong nangyari sa kapatid mo? May problema ba kayo?" Si Dad.
Nagkibit balikat lang ako. "We are good, dad. Let her cry muna, she'll get over it soon." Tipid akong ngumiti sakanila at umakyat na sa kwarto.
Pabagsak kong inihiga ang sarili ko sa kama.
Saglit akong napaisip...
Napagdaanan na ni Alex yung napagdaanan ni Trinity. Hindi lang siya nawalan ng boyfriend, nawalan din siya ng tatay, kapatid, nanay— kung sino pa yung kuya niyang hindi niya nakakasundo, siya pa yung natira sakanya.
She's been through a lot. Wala pang kasiguraduhan kung makakasurvive siya. All her enemies can ruthlessly kill people.
I have no idea how to help her continue living. Ayokong isipin niya na nakikialam ako pero I badly want to enter her life. But.. in what way though?
I immediately forced myself to sleep when I caught myself acting like a concerned lover.
__