Travis' POV
Kakatapos lang ng last subject namin at mula kanina hanggang ngayon ay hindi ko na nakita si Alex, siguro ay nasa clinic na 'yon, "Pupunta rin naman pala sa clinic nagpapapilit pa!"
"Hala, bigla biglang nagsasalita 'to."
Gulat akong tumingin sakanila at nag-iwas ng tingin, "H-Ha?"
"Anong ha?!"
"Wala!"
"Ganyan talaga pag in love, pre. Hayaan mo na 'yan, minsan lang 'yan," natatawang pang-aasar ni Calvin sa'kin, sinuntok ko ang braso niya at inunahan ko sila sa paglalakad palabas ng hallway at ramdam ko namang sumunod sakin sila Ivan.
"Travis!" kunot noo kong nilingon yung tumawag sa'kin. Nakita ko si Kaitlyn na nakasilip sa bintana at may hawak na ballpen at test papers, saglit siyang napatitig sa'ming tatlo, "F-Favor?"
"Ano?"
"Pwede bang ikaw na mag check nito? Kailangan ko na kasi talagang puntahan si Alex, natutulog siya sa library eh. Please.. malapit na mag-uwian."
"A-Ayoko nga!" pasigaw na sabi ko at mabilis na tumakbo, "Tara, pre!"
"Saan?"
"Sa library."
"Ayon! May gusto ka na nga talaga kay Alex, pre! Ipupusta ko laman ng wallet ko ngayon!"
Natigilan ako sa paglalakad at sinamaan ng tingin si Calvin, "Hinde!"
"Magkano pusta mo?!" pang-aasar niya pa, nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at hindi na pinansin ang mga tukmol kong kaibigan. Hindi ko naman gusto si Alex kaya bakit ako magpapaapekto sa pang-aasar nila. Bakit gusto mo siyang puntahan ngayon? Nanlaki ang mata ko at umiling iling sa tinanong ng isip ko.
Ilang minuto pang paglalakad hanggang sa makarating kami sa library, hindi namin nakita agad si Alex kaya naman pumasok kami sa kabilang pintuan. Doon namin siya nakitang naka dekwatro at nakapikit.
"Pre, babae ba 'yan?" natatawang sabi ni Francis kaya nagkatinginan kami at sabay kaming natawa ng mahina. Sabay din kaming natigilan nang makita naming gising na agad si Alex.
"Anong ginagawa niyo dito?" seryosong tanong niya sa'min at hindi man lang gumalaw. Tangina, grabe naman makatingin 'to.
"I-Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" pagbabalik ko ng tanong niya at mariin akong napalunok.
"Ano ba sa tingin mo?"
"Natutulog? Alam mo bang library 'to?" pabulong na sigaw ko sakanya pero wala talaga siyang pakialam.
"Malamang, alam ko. Hindi lang naman ikaw ang may mata sating dalawa."
Ayan nanaman yung nakakapikon niyang sagot! "Hindi ka ba marunong sumagot ng maayos? Naintindihan mo naman siguro yung tanong ko, diba?!"
"Easy ka lang pre," bulong ni Calvin sakin pero hindi ko siya pinansin.
"Ano ba kasing pake mo?" sagot niya at saka tumayo. Narinig kong pinagtawanan ako nila Calvin kaya nagsisimula na 'kong mapikon, "Ayusin mo kasi 'yang mga tanong mo, ako yung dapat na nagtatanong kung bakit kayo nandito. Natutulog lang naman ako, hindi naman siguro ako makakaistorbo kung magbabasa man kayo," walang emosyong sabi niya habang inaayos ang uniporme at gamit niya.
May punto siya pero tangina hindi ko matanggap na wala akong masabi, bakit ko pa ba kasi 'to pinuntahan?!
Nagsimula na siyang maglakad at kami naman ngayon ang hindi gumalaw, binangga ni Alex ang braso ko. Huminga ako ng malalim, "Ang yabang yabang mo talaga!" napipikong sigaw ko sakanya.