Chapter 9

2.4K 43 0
                                    

Travis' PoV

Pumipikit siya ng mariin kapag hindi niya sinasadyang matamaan ang gilid ng sugat niya, "Pre bakit ba siya nagkasugat ng ganyan??" tanong ni Calvin sakin.

"Sinaksak ni Nathan, pre."

"Ano?!" Tanong niya ulit pero 'di ko na sinagot at tahimik na lang na pinanood si Alex. Tumingala siya at huminga ng malalim, ilang beses din siyang lumunok. Mas gugustuhin niya talagang magtiis ng sakit kaysa magpagamot!

"P-Pre kumain na nga kayo doon. Ako na bahala," nauutal pang sabi ko habang nag iiwas ng tingin.

"Ano namang gagawin mo?" mapanuksong tanong ni Ivan at sinamaan ko siya ng tingin.

"Lalapitan ko malamang! Tingnan mo naman, nakaka-awa!"

"Sige, pre. Enjoy! Chix yan!"

Agad kong kinutusan si Calvin, "Gago ka talaga. Oh! Dalhin niyo 'tong bag ko!" pabato kong binigay yung bag ko kay Francis.

"Una na kami!" nakahinga ako ng maluwag at patakbo na silang umalis. Humarap ulit ako kay Alex, nililinis niya pa rin ang sugat niya kaya dahan dahan akong lumapit sakanya, "Andito ka pa pala. Okay ka lang?" kunwaring natigilan ako sa paglalalakad at umupo sa tabi niya.

Tumango siya, "Ikaw? Bakit nandito ka pa?"

"Wala lang, napadaan lang ako dito," pagpapalusot ko at tinignang mabuti ang sugat niya. "Namamaga na 'yan ah." Hindi niya pa rin ako pinansin, "Ipatingin mo na kaya 'yan sa doctor. Baka kasi kung ano nang nangyari diyan e."

"Hindi na."

"Bakit?"

Hindi nanaman siya sumagot. Tsk, siya pa talaga ang humihindi sa mga doctor! Inabot niya sakin yung cotton at tumayo. Pinagpagan niya pa yung likod niya.

"Okay ka na niyan?" takang tanong ko.

"Oo, bakit?"

"Namumutla ka, may sakit ka yata eh," nagkibit balikat lang siya at bigla akong nilagpasan, papunta na rin siya sa canteen kaya sumunod na rin ako. Tinitigan ko siya ng mabuti simula ulo ang hanggang paa. Mahaba yung buhok niya tsaka medyo kulot, ang balikat niya ay malapad saka tama lang ang hulma ng katawan niya.

Nang makarating kami sa canteen ay nilapitan ko agad yung mga kaibigan ko nung matanaw ko silang nakaupo sa pwesto namin, "Daming pagkain ah!" nakangiting sabi ko.

"Oo, pre! Salamat!" tumatawang sabi ni Calvin, alam ko na 'yang tawa niya. May ginawa nanamang kalokohan 'to, "Anong salamat?" takang tanong ko.

"Dami mo talagang pera," nakakalokong sabi niya at pinakita yung wallet ko. "Oh ito sukli. Limang piso."

Isa isa ko silang kinutusan. "Titibay niyo! Mga kuripot!" parang wala lang sakanila ang pagtaas ng tono ng boses ko at nagpatuloy sa pag lamon.

"Kamusta naman yung bagong chix mo?!"

"Chix ba 'yon?!" nandidiring tanong ko.

"Mahina ka talaga," nagkukunwaring disappointed na sabi ni Ivan at nginisian ako saka biglang tumayo. Taka naman ako tumingin sakanya, "Watch and learn," sinundan namin ng tingin si Ivan na papalapit na kay Alex, hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako sa lalakeng 'to.

_
Alex' POV

Tahimik akong kumakain nung bigla biglang may sumulpot na lalake sa harap ko, "Hey, I'm Ivan."

Kunot noo ko siyang tiningnan, "Sinong nagsabi sayong umupo ka diyan?" mukhang nagulat siya sa tanong ko pero agad din naman siyang tumayo.

"Sorry, can I sit here?" ilang segundo ko siyang tinignan at muling yumuko para kumain. Nagkibit balikat na lang siya saka umupo kahit hindi pa 'ko sumasagot. "Kamusta naman yung sugat mo?" matamis ang ngiting tanong niya.

Hold You TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon