Chapter 8

2.6K 49 0
                                    

Alex' PoV

Kasalukuyan akong nakahiga sa sofa habang kumakain ng pancake na niluto ni Xianna. Mabuti na lang at hindi niya napansin ang sugat ko kasi naka jacket ako ngayon.

Naalala ko yung tinanong ni Travis kanina. Sa totoo lang kinabahan ako non eh kasi akala ko itatanong niya yung tungkol sa pag patay ko ron sa tatay ni Nathan.

Kanina pa hinang hina ang katawan ko. Dahan dahan akong umakyat sa taas at pabagsak na humiga sa kama.

Napatingin ako sa sugat ko na kanina pa kumikirot. Muli akong tumayo at kinuha ang medicine kit.

Masyadong maraming nangyari kanina. Bwisit na Reyes na 'yon, pinagod ako katatakbo.

_

Nagising ako sa maingay na tunog ng alarm clock. Tamad na tamad akong bumangon kaya isinubsob ko ulit ang muka ko sa unan at pumikit ng mariin.

"Ma'am Ale--"

Mabilis akong umayos ng upo at naibato ang unan sa kasambahay namin dahil sa gulat.

"S-Sorry po," yukong yuko niyang sabi at umalis.

Mabuti na lang at hindi si manang ang pumasok, kundi ay kinotongan na ako non.

--

Bumaba na ako at nakita ko si Xianna na nag hahanda ng breakfast.

"Good morning.. Kain ka na. Masarap 'to!" nakangiting sabi niya.

"Si kuya?"

"Kasama si tito Xiaon. Maaga silang umalis kanina kaya maaga din akong nagising. Kain ka na."

Tinanggal ko na muna ang bag na nakasukbit sa likod ko at umupo sa harap ng hapagkainan.

"Bakit ang tamlay mo? May sakit ka?"

"Wala naman. Kailan niyo balak bumalik sa Seoul?" pag-iiba ko sa usapan.

"Pinapaalis mo na ba kami?" mataray na tanong niya at tumango tango naman ako.

"Tinatanong pa lang naman kita. Pero pagtapos mo akong bilhan ng cellphone pwede na kayong umalis," pagbibiro ko.

"Ha! Kung kaya mo 'kong paalisin!"

Mukang nakalimutan niya na ang deal namin. Mabuti naman.

"Si Roxan nga napalayas ko dito, ikaw pa kaya?" sumama ang mukha niya dahil sa asar kong iyon. "Pikonin ka talaga," nakangiwing sabi ko.

"Ewan ko sayo!"

"Totoo naman diba?"

"Napaka panget mo! Sobra sobra sobra sobra--"

Napatakip ako ng tainga dahil sa kaingayan ng bunganga niya, tumayo ako at hinablot ang bag ko.

"Bumili ka ng sarili mong cellphone!" pananakot niya pa.

"Papasok na 'ko, pikon. Late na 'ko. Ingat ka diyan, pikon."

Hindi ko na pinakinggan pa ang boses niyang masakit sa ulo at dire diretso na akong sumakay sa motor ko.

...

Nakarating na ako sa room at antok na antok na yumuko sa mesa. Kahit napakahaba ng tulog ko kanina ay wala talaga akong lakas--

"Good morning class. P.E niyo ngayon."

Hindi na natapos ni sir ang sasabihin niya dahil nagsitayuan ang mga kaklase ko at mas mabilis pa sa sasakyan kung magtulakan palabas.

Malas ang kingina!

Napatingin naman ako kay Travis at nagulat ako nung nag tama ang paningin namin. Wala akong nagawa kundi tumayo at lumabas na rin, ayoko namang maiwang mag-isa dito.

Hold You TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon