Kernel's PoV (guess who)
"Here's our report, boss. Everything's alarming, you have to go back to the Philippines to protect your son."
Binuksan ko ang folder na naglalaman ng iilang litrato sa Pilipinas. Unang una na bumungad sakin ay ang anak ko, nasanay na 'ko sa ganito. Kung sino ang sinusundan ng mga tauhan ko, 'yon din ang plano niyang sundan.
Hindi ko talaga mapigilan 'tong anak ko sa pagtulong sa dati niyang kasintahan, hindi ko alam kung mahal niya pa o guilty rin siya sa pagsunod sa iniutos kong pakikipagrelasyon niya noon. Isa rin ako sa mga napaikot nitong si Adrales para magkaron siya ng koneksyon sakin. Hindi ako nag-iisip noon, I was really a great private criminal defense lawyer kaya pala gusto niyang dumikit sakin.
Lubog na lubog na kami sa utang noon dahil sa hospital bills ng dalawa kong anak na sina Kris at Kevin, patay na si Kevin pero hindi pa bayad ang bills niya kaya madali lang akong nabulag sa pera, sumali ako sa organisasyon ni Francisco Adrales.
Ang akala kong gusto niya ay pag-isahin ang organisasyon niya at ang sa pamilya ni Dexter Cristobal, tapos malalaman ko na lang na magkapatid naman pala ang dalawa, magkaiba nga lang ng tatay at puro pera ang nasa utak kaya hindi magkasundo. Malaki lang talaga ang pride nitong si Francisco kaya ibinaon niya na sa limot ang surname na dapat niyang ginagamit araw-araw. 15 years ang agwat ng edad nilang dalawa, syempre mas matanda itong si Dexter.
Ang una niyang inutos sakin ay ang pakikipagrelasyon ng anak kong si Kurt sa pangalawa na babaeng apo ni Dexter Cristobal, si Alexiandra Xerene Reyes o ang gamit niyang buong pangalan ngayon ay Alexiandra Xerene Cristobal. Nagkagustuhan naman silang dalawa kaya madali lang gawin ang utos na 'yon para sakin.
Tinigilan ko lang ang pakikipag-ugnayan kay Adrales nang malaman ko mula sa mga Enriquez na ilegal pala ang gawain ng mga Cristobal. Detective ang mag asawa at matagal na nilang iniimbestigahan ang ilegal na gawain ng mga Cristobal, sadyang malinis lang talaga magtrabaho si Dexter kaya mahirap makakuha ng ebidensya.
Kay Mr. Enriquez ko rin nalaman na si Adrales ang bumaril sa dalawa kong anak kaya nalagay sa alanganin ang buhay nila. Sinubukan kong ilaban sa korte ang ginawa ni Francisco pero masyadong malakas ang kapit nito sa gobyerno, nabasura lang yung mga pinaghirapan ko.
Ang sabi ng mga Enriquez sukuan ko na lang daw, may tamang panahon para maghiganti. Tinulungan nila kaming makaalis ng Pilipinas, ang mga Enriquez pa ang nagpagamot sa anak kong si Kris dahil matalik na kaibigan ng anak ko ang lalake nilang anak.
Ang susunod naman na litrato ay ang babaeng apo ni Dexter Cristobal. Alam ko kung anong nangyari sa batang 'to kagabi, mabuti at nakaligtas pa. Kung sino sino na ang koneksyon nitong si Adrales, kung saan saang bansa, pati na rin ang isa pang lalakeng apo ni Dexter na si Alexander Cristobal ay kinuntsaba niya.
May kasama siyang lalake, mukhang kasintahan niya. Tinitigan ko ng mabuti ang lalake, kumunot ang noo ko nang mamukhaan ko siya. Anak ng mga Enriquez?
"'Yang lalake pong 'yan, siya po yung dinalhan namin ng threat noon kasi nakikita rin naming sinusundan siya ng mga tauhan ni Adrales," sagot ng tauhan ko.
Tinignan ko pa ang susunod na litrato, tama nga ang hinala ko dahil nandito ang dalawang mag-asawa, agad namang napuno ng kuryosidad ang isip ko. Iniabot ko ang telepono at tinipa ang numero ni Mr. Enriquez. Mabilis ang naging pagsagot niya, "What's the connection between your son and Alexiandra?" diretsong tanong ko.
"Oh, Travis? He is her suitor."
"How did they met?"
"Oh, c'mon Kernel Delaviña. I know what's in your mind. We are not interested in anything that her family has. They are both studying in the same school. Me and my wife let them be, we saw how happy they are together, especially Alexiandra. This is also good for Alexiandra's mental health. I can see that she's slowly changing because of my son."