Alex' PoV
Mga limang minuto na akong mukang tangang nakaupo sa semento. Napaisip naman ako nung maalala ko kung bakit wala akong dalang motor ngayon.
Kaya naman pala may nalalaman pang pahatid hatid kasi may ganitong ganap.
Maya maya pa ay may natanaw na akong papalapit na kotse at sigurado naman akong si kuya na 'yon.
Planado na naman ang kingina.
"Alexia?! Ayos ka lang?!" kunwaring nag aalalang tanong niya, kitang kita ko pa nga ang pagkadismaya sa mukha niya nang makitang ganito lang ang natamo ko.
"Ano sa tingin mo? Itayo mo 'ko!"
Mabilis siyang lumapit sa akin at tinulungan akong makatayo. Lumapit ako sa kotse at binuksan ang pinto. Maingat akong sumakay.
"Ang yabang yabang mo tapos hindi mo pala kaya 'yang sarili mo. Sino ang may gawa niyan?!"
"Oh? Hindi mo talaga kilala? " sarcastic kong tanong habang nakatingin sa bintana. Hindi siya nakasagot.
Mga limang minutong walang nagsasalita samin nang biglang iliko niya ang kotse sa maling daan.
"Hindi dito ang daan pauwi."
"Alam ko, pupunta tayo sa hospital."
"Ayoko. And please, do not interfere with my shit next time. I honestly don't need your company," I said while trying to calm myself.
He laugh in disbelief. "Pupunta lang tayo sa hospital, nag iinarte ka na? Pwede bang kalimutan mo na yung nangyari noon?"
I felt my blood boil with anger. "If you were in my position, you could've been dead by now."
"Fuck what happened before, Alexia. It is what it is. You can't change the past--
I gripped the steering wheel tightly. "Cut the crap or a car crash will end your life."
He stunned. Sinubukan niyang alisin ang kamay ko kaya lumihis kami sa daan.
"You bitch! I'll shut up now just get your fucking hand off!" nag papanic niyang sigaw.
Binitawan ko na ito at umayos ng upo na parang walang nangyari. Hindi na nga siya kumibo pa hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay niya.
Bumaba ako agad at sinara ang pinto. Narinig ko pa ang pagdadabog niya.
That idiot is not afraid to die, his limited edition Bugatti La Voiture Noire is just more expensive than his life. And I know that he got no penny to fix even a small damage.
Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng yelo sa loob ng ref. Binalot ko 'yon sa makapal na towel.
Maingat at dahan dahan akong umakyat sa taas at natawa na lang ako sa itsura ko nang madaanan ko ang salamin.
Pinunasan ko ng bulak na basa ang mga pasa ko sa muka at dinampi dampian ng yelo.
Malamang bukas ay iba ibang klaseng panghuhusga na naman ang maririnig ko.
_
Kinabukasan..
Gumising ako nang maaga dahil hindi ko alam kung anong oras ang pasok ko. Kahit hindi ko gustong pumasok sa school at mag-aral ay napilitan pa rin akong gawin dahil alam kong may dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng 'to. At higit sa lahat, hindi ako puwedeng sumuway sa utos ni kuya even though I hate his guts.
Hindi ganitong sitwasyon ang iniisip kong mangyayari bago ako umuwi dito sa Pilipinas. Hindi ako umuwi dito para mapunta lang sa wala ang lahat ng pinaghirapan ko sa ibang bansa.