Chapter 20

2K 38 0
                                    

Alex' POV

Pagkatapos nung nangyari kanina sa room dumiretso agad ako sa canteen. Maya maya pa.. nagsipasukan na rin ang mga kaklase ko at ang ibang mga estudyante na galing sa iba't ibang seksyon.

Tahimik lang akong kumakain mag-isa nang hindi ko inaasahang palibutan ako ng iilang mga estudyante. Hindi ko man sila tingalain at tignan, alam kong mga kaklase ko sila.

Pakiramdam ko ay wala akong mukhang maihaharap sakanila kaya nanatili lang akong nakatungo habang ngumunguya.

"W-We are sorry, Alex. Hindi ka man lang namin pinag tanggol kanina," emosyonal na sabi ng isa kong kaklaseng babae kaya't sabay sabay na silang humingi ng pasensya.

Kinunot ko naman ang noo ko at nilunok ang pagkaing nasa bibig ko. "Ano namang magagawa niyo?"

"N-Nakita naman kasi namin yung nangyari, wala lang talagang sumubok na mag salita kasi nakakatakot talaga yung itsura ni sir."

Hindi ako sumagot at kumain na lang ulit. Bigla na lang silang nagpapakita ng kabaitan sa harap ko, ayokong magpadala sa mga pinagsasabi nila.

"Oo nga, ngayon lang kasi namin siya nakitang ganon."

"Bakit kasi ganon ang isinumbong ng ibang estudyante kay sir?" naiinis na tanong ng lalake. Nakakatawa lang na mga kaklase ko sila pero hindi ko talaga matandaan ang mga pangalan nila miski ang boses nila.

"Ginalit yata ni Cristobal si Angel kaya siya ang pinapag tripan."

"Madami kasi talagang nagkakagusto do'n kay Angel."

"Yung mata ni Cristobal kapag titignan mo, talagang maiinis ka kahit wala siyang ginagawa."

"Mismo! Ang talim niyang tumingin kahit hindi niya naman sinasadya."

"Gan'yan naman siya tumingin sa lahat eh," natatawang sabi nung isa.

Gusto ko tuloy tignan ang sarili ko sa salamin para malaman kung anong sinasabi nila.

"Kaya siguro mas napikon si sir kanina."

"Oo pero mas kinabahan talaga ako nung lumapit si Cristobal kay sir!"

"Yung mga sinabi niya kay sir, nakakakaba. Lasang drop out! Akala ko talaga 'di pa rin papatinag si sir eh."

Pag tsitsismisan pa nila na parang wala ako sa harap nila. "Tapos na 'yon, kalimutan niyo na."

"S-Sorry, nadamay ka pa." Si Kaitlyn naman ang nag salita. Ngayon ko lang napansin na nasa tabi ko na pala siya.

Tiningala ko sila at tinignan isa-isa. "Pwede bang kumain na muna tayong lahat? Gusto ko nang ubusin ang pagkain ko," seryosong sabi ko at nag tawanan sila.

Kakaiba ang tono ng tawa nila ngayon, parang natutuwa na sa'kin. Nagsi-alisan sila pero wala pang ilang minuto ay bumalik ang iilan sakanila na may dalang pagkain at nilapag 'yon lahat sa table ko.

Nagtataka akong tumingin sakanilang lahat. "Para saan 'to?"

Ngiting ngiti silang nakatingin sa'kin at ang iba ay parang kinikilig pa. "Bigay 'yan ni Travis, kainin mo raw lahat."

Hinanap ko si Travis pero hindi naman nila kasama kaya tumingin ako sa ibang direksyon at nakita ko siyang nakatingin sa gawi ko 'saka nginitian pa 'ko.

Hilig talaga nito ang atensyon. Tsk.

Iniwas ko agad ang tingin ko sakanya at hindi pa nakatakas sa paningin ko ang nanunuksong tingin ng mga kaklase ko sa'kin.

"S-Salamat," nauutal at naiilang kong sabi at nag paalam na sila para kumain.

Napaka dami nitong binili nila, hindi ko alam kung paano ko 'to uubusin sa loob ng 20 minutes na break time. 'Saka busog na 'ko sa mga pinagkakain ko. Nag stress eating na 'ko bago pa man sila magsibabaan dito.

Hold You TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon