K I N A B U K A S A N
Alex' POV
Unti unti kong binuksan ang mga mata ko at naramdaman ko ang malambot na kama sa likuran ko. Kinusot kusot ko muna ang mga mata ko at inalala kung ano ang mga nangyari kahapo--- T-teka..
Paano ako nakauwi?!
Dali dali akong tumayo at sinuot ang tsinelas ko. Tinignan ko ang orasan at alas singko pa lang ng madaling araw.
Ang alam ko ay kasama ko si Travis sa kotse niya kahapon at pauwi na kami nun kaso---
d.__.b
Tang ina.
d>__<b
NAKAKAHIYA! Nakainom pa yata ako nun!
Dali dali kong binuksan ang pinto---
dO___Ob
"Travis?!"
"A-Alex." sabay naming bigkas.'Anong ginagawa nito dito?! At pano niya nalaman na dito ako nakatira?!'
Kailan ko ba hindi makikita ang pagmumuka nito? Palaging bungad! Pati ba naman sa pag gising ko!
"Anong ginagawa mo dito?!" pasigaw na tanong ko!
"S-Sorry. Kakatok sana ako kaso..."
"Kakatok? Eh bakit parang kanina ka pa nakatayo diyan?!"
Nag iwas siya ng tingin. "H-Hindi kaya!"
"Tsk!" hinilot ko ang sintido ko at tinignan siya ng masama. "Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?! May kailangan ka ba?!"
"Basta! Tsaka w-wala akong kailangan sayo noh! Hinahanap ko lang si J-Jay!" pagsisinungaling niya pa.
"Eh bakit ka nandito sa labas ng kwarto ko kung si Jay ang kailangan mo?! "
"M-Malay ko bang kwarto mo pala toh."
"Tsss. Sino ba ang nagpapasok sayo sa gate?!"
"Yung baklang panget---"
Natigilan sa pagsasalita si Travis nung biglang sumulpot si Barbie na halatang kanina pa nakikinig sa usapan namin.
"Hoyyy. Excuse me. Anong panget? Keri lang kung tawagin mo akong bakla, pero yung panget?! Inistorbo mo nga ang beauty rest ko dahil sa pagdodoor bell mo! Pasalamat ka nga at ang beauty ko ang una mong nakita, kundi hindi ka makakapasok dito! Echosera, mas maganda pa nga ako sayo." maarteng sabi ni Barbie habang nakapamaywang.
"May beauty rest bang ganyan kapanget ang itsura?!" pang aasar naman ni Travis.
"Nabulag ka na ata sa ganda ni Alex at hindi mo na makita ang beauty ko!"
Aba. Nandamay pa.
Hindi naman nakasagot agad si Travis. Napag hahalataan.
"Yung hininga mo, bakla. Medyo mabaho." seryosong pang aasar ko sakanya at nilagpasan silang dalawa.
"HAHAHAHAHAHA!"
Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng tubig.
"Bakla ka! Kagigising ko lang kaya ganun ang amoy! Mga mapanglait! Makapag toothbrush na nga lang. Tse!"
Hindi pa rin natigil si Travis sa katatawa. Tinignan ko siya ng seryoso kaya unti unting nawala ang ngiti niya. Napansin ko ang noo niya, nagkaron ng medyo maliit na crack ang taas ng kilay niya dahil sa nangyari kahapon. Talagang idinisplay niya pa ang sugat niya, hindi man lang lagyan ng band aid.
![](https://img.wattpad.com/cover/135936807-288-k578324.jpg)