Chapter 43

1.3K 32 0
                                    

Alex' PoV

"Don't hurt her, I'll go with you."

dO___Ob

Kinginang 'to!

Sinamaan ko ng tingin si Travis pero hindi man lang siya tumingin sakin!

"Wow hahahaha. That's nice." si Luciano habang tumatango tango pa!

"He's not going with you asshole." naiinis na sabi ko.

"He already agreed, Alexiandra. Let's go, Mr. Enriquez."

Binaba na ni Dante ang baril niya at saka ngumisi sakin.

Nanlaki ang mata ko nung hahakbang na sana si Travis pero mabilis kong hinawakan ang kamay niya at hinila papunta sa likod ko. Mabilis akong bumwelo para sipain ang baril na hawak ni Dante. Tumalsik ang baril niya at hindi ko na alam kung saan na napunta.

"Let's fight. If I lose, he'll go with you and if I win, he's mine and you need to get out of my sight." paghahamon ko kay Dante.

Ibinulsa niya ang dalawang kamay niya at mayabang na tumango!

Kapag ikaw natalo ko, tignan ko lang kung makapag yabang ka pang hayop ka!

"Sure. And if I win, you need to pay me."

Pinerahan pa 'ko.

"Deal."

Alam kong maling mali 'tong desisyon na ginawa ko dahil sobrang bilis ng kilos niyan! Okay pa sana kung parehas kaming may baril, siguradong talo ko na agad siya.. Eh kaso, wala!

Naghahanap ako ng tyempo na makasipa sakanya kasi sobrang likot talaga ng katawan niya.

At dahil sa kagustuhan kong matapos na agad ang laban, bumwelo agad ako at sisipain ko na sana ng sobrang lakas ang tiyan niya pero nahawakan niya ang paa ko!

Kinginang unggoy na 'to!

Bumwelo ulit ako para masipa ko siya ng tuluyan pero mabilis niya akong binalibag.

d>>___<<b

Naunang tumama ang pwetan ko sa semento! Hindi ako makakilos dahil sa sobrang sakit ng ginawa niya. Mabuti na lang at hindi likod ko ang tumama, tangina talaga!

"You lose---"

"Manahimik ka! Mag hintay ka lang sa sapak ko sayo, patutulugin talaga kita!"

Napipikon na sigaw ko habang namimilipit pa rin sa sakit!

Letse! Pano pa 'ko tatayo nito?! Hindi ko na nga maigalaw ang hita ko eh!

Hihingi sana ako ng tulong kay Travis pero nakita kong nakatutok ang baril ni Luciano sakanya! 

"C'mon Alexiandra. Just accept that you lose against me."

"Eh kung sayo ko kaya gawin 'to?!"

"Speak in English, coward."

Sa sobrang sakit ng ginawa niya, nakalimutan ko na bobo pala 'tong kausap ko at hindi makaintindi ng tagalog!

d>__<b

Huminga muna ako ng malalim bago ko sinubukang tumayo pero tangina! Pati yung likod ko ay sumasakit na din!

"Looks like you're struggling to stand up. Hmm. I wanna test my skills, Alexiandra."

Kinunutan ko siya ng noo matapos niyang ibato malapit sakin ang baril.

Hold You TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon