Chapter 16

2K 40 0
                                    

Alex' PoV

Mabilis na lumipas ang sabado at linggo, lunes nanaman ngayon kaya maaga akong nagising para pumasok. Tatlong araw nang nandito si Xianna, ayaw niyang sabihin sa'kin kung anong ikinagalit sakanya ni kuya. Iniiba niya palagi ang usapan kapag ka nagtatanong ako kaya hinayaan ko na lang siya.

Lumabas na ako sa kwarto matapos kong ayusin ang higaan at kumutan si Xianna.

"Good morning," nakangiting bati ni Jay sa'kin pagkalabas ko sa kuwarto at napansin ko naman ang suot niyang uniporme.

"Morning. Hindi mo sinabi sa'kin na ngayon ka na papasok."

"Para surprise."

Tumango ako. "Hintayin mo 'kong matapos, saglit lang. Maaga pa naman."

Mabilisan lang akong nag-ayos ng sarili, hindi ko na ginalaw ang pagkain sa lamesa dahil hindi pa naman ako nakakaramdam ng gutom. Matapos kong mag-ayos ay sumakay na kami sa motor namin at tinahak ang daan papunta sa school.

Pagkadating namin sa loob, walang pinagbago ang mga tinginan sakin ng mga babaeng nakakasalubong namin sa daan. Ilang araw palang ako dito pero iilan na ang mga nakakakilala sa mukha ko, dumagdag pa na gwapo itong kasama ko.

"I hate their stares, ano bang ginawa mo at mukhang ikaw ang issue dito?"

Nagkibit balikat ako. "Wala, eh. Puro anak mayaman mga nakakabangga ko rito."

"Bakit ka ba kasi lumipat?"

"Mahabang kwento," tipid kong sagot. Natanaw ko mula rito sila Travis, nasanay na 'kong makita ang noo niyang palaging nakakunot. Sakto namang lumabas sa isang room si Kaitlyn at agad na nagliwanag ang mata niya nang makita niya 'ko.

"Alex!" pasigaw niyang tawag sa pangalan ko at mahigpit niya 'kong niyakap. "Namiss kita. Saan ka ba kasi nag pupupunta?! Dalawang araw kang hindi pumasok! Tapos nung Wednesday balita ko nag cutting ka raw!" nag-iwas ako ng tingin at nakita ko ang ibang mga students na tatawa tawang nakatingin sa'min. "Ano na Alex? Bakit di ka pumasok? Ha? Ha?" pangungulit niya pa.

"Wala ka na ron," nakangising sabi ko.

"A-Anong--?! 'Wag mo kong ngisi ngisihan diyan! Bakit hindi ka pumasok? Baket?"

Para sa dalawang araw, ganyan na siya mag react?! "Tsk. Nagpahinga lang ako."

Hindi makapaniwalang tumingin siya sa'kin. "Talaga ba? Pagod na pagod? Ano bang ginawa mo? Nagbuhat ka ba ng semento?!" sunod sunod niyang tanong.

"Ang ingay naman," mahinang bulong ni Jay sa likod ko. Natawa naman ako nang sinilip siya ni Kaitlyn at dinuro.

"At sino ka naman? Alalay ni Alex?" taas kilay na tanong ni Kaitlyn kay Jay habang nakapamaywang pa. Napatitig ako kay Kaitlyn at saka ko lamang napansin ang ugali na ipinapakita niya simula nung unang araw ng pagpasok ko dito.

Kapag trip niya ang isang tao na kaibiganin, hindi niya talaga titigilan, susundan at kakausapin niya kahit anong ugali ang ipakita sakanya.

"Alalay? Muka ba 'kong alalay?" naiinis na tanong ni Jay at malakas na tumawa si Kaitlyn.

"Tinatanong pa ba 'yan?!"

"Shut up, ugly duck."

"A-Anong--? Ugly duck?!"

Bagay sila, ang lakas mang-asar pero parehong mabilis mapikon. "Tara na. Baka mag sapakan pa kayo dito," biro ko at naunang mag lakad. "Anong room mo, Jay?"

"Room 201."

"Buti naman at hindi kita kaklase," mahinang bulong ni Kaitlyn.

"Dito ka na." Binuksan ko ang pintuan ng s2 at may iilang estudyante na rin doon.

Hold You TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon