Greco's PoV
Hinayaan ko na si Jay na harapin sila Xiaon at agad kong kinontak sila Barbie.
"Bakit hindi na kayo gumagalaw sa pwesto niyo?" si Grace ang sumagot, sakto naman at naka track pa sila samin.
"Keep an eye on us. Isusuot ko 'tong binigay mong cam-audio earrings, magdadagdag pa 'ko ng tatlong tracking device," saad ko habang hirap na hirap itong kinakabit sa tainga ko.
"Okay.." ilang segundong natahimik ang kabilang linya. Kinuha ko ang napakaliit na tracking device at ipinasok 'yon sa loob ng brief ko, naglagay din ako sa kotse, at itatabi ko ang isa para kay Jay, baka magkahiwalay pa kami, "Mag-iingat kayo diyan." narinig ko ang boses niya na galing sa earrings at sa cellphone, 'yon ang gusto ko kay Grace, kalmado siya sa kahit na anong pangyayari kaya nakakapag isip siya ng matino.
"Umatake kayo sa tamang oras, kahit ilang araw pa ang tumagal na wala silang ginagawa samin, 'wag na 'wag kayong aatake. Siguradong dadalhin nila kami sa lugar nila. Planuhin niyo ng maayos ang pag-atake, ingatan niyong 'wag makarating kay Alex 'to."
Bumuntong hininga siya, "Sige. Mukang may silbi din itong tao na pinapahanap ni Alex. Nakontak namin kanina, madami daw siyang nalaman na impormasyon kaya mananatili muna daw siya doon sa lugar ni Xiaon."
Tumango tango ako, "Mabuti. Sige na, bagsak na si Jay. Itatapon ko na 'tong cellphone ko, pakikuha na lang."
Malakas kong hinagis ang cellphone mula sa bintana ng kotse, sakto namang sumakay na sila sa loob. Tinutukan pa ko ng baril para mag simulang mag maneho. Ngumisi lang ako at sinunod ang tinuturo nilang daan.
_
Travis' PoV
Korean Restaurant ang napagkasunduan namin-- nilang kainan. May kaunti pa kaming pagtatalo ni Trinity, siya kasi ang nag suggest na kinainis ko naman. Pasalamat lang talaga siya at pumayag si Alex, kundi ay sosolohin ko talaga 'to si Alex sa ibang resto.
"How 'bout the two of you? How's your studies?" tanong ni daddy habang nakatingin sa'min ni Alex.
Saglit kaming natahimik, nagkatinginan pa kaming dalawa. Nang bumaling ako kay dad, bigla siyang sumeryoso kaya napalunok ako ng mariin.
"Si Travis po mukang okay naman, sabi sa'kin ng kaibigan ko lutang lang daw po siya minsan sa klase," sagot ni Alex nang mahalata niyang kinabahan ako.
Tumango tango si daddy, naghihintay pa siya ng susunod na sasabihin ni Alex.
"Ako naman po, hindi na ako masyadong nakakapasok." nakatungong sabi niya.
"Why?" nag aalalang tanong ni mom.
"Nahospital po ako ng ilang buwan. Kakapasok ko lang nung field trip."
"May kaaway ka ba sa eskuwelahan? The first time that we have met, may bruises ka sa mukha. Tapos ngayon kakagaling mo pa lang pala sa hospital, naaksidente ka pa sa motor," takang tanong ni daddy at wala akong nakitang kahit anong bahid ng kaba sa muka ni Alex. Kalmado lang siya, parang handa siyang magsabi ng totoo.
"Family matters lang po."
Medyo nagulat naman ako nang hindi siya nag sinungaling. Inexpect kong aksidente lang ang sasabihin niya.
"I see, sana hindi na maulit 'to. Nakakapag alala na kasi 'yang kalagayan mo, ija."
Gumuhit ang ngiti sa bibig ni Alex, "Opo. Mag-iingat na ako sa susunod."
"And you," bumaling sakin si dad, "Do your job as her boyfriend. Pinapabayaan mo lang yata si Alex."
Nanlaki ang mata ko at agad akong umiling, "Matigas lang talaga yung ulo ni Alex. Tsaka dad, hindi ko pa siya girlfriend. Nanliligaw pa lang ako," mabilis na tanggi ko at sinamaan ko ng tingin si Trinity. Nagtaka naman ako ng makita kong nang-aasar ang tingin niya sakin-- mabilis kong tinakpan ang bibig ko. Shet, nasabi ko ata!