Chapter 34

1.7K 39 0
                                    

Alex' PoV

"Oh? Sino ka?" takang tanong ko sa lalake.

"Hindi mo pa rin ako kilala? Ilang beses na 'kong nagpakilala sayo ah!"

"Ahh.. okay." walang ganang sagot ko at tumayo na. Lumipat ako sa kabilang table at umorder ng alak.

Ramdam ko pa rin na may mga titig na titig sakin, parang nanonood sila ng TV at ako ang bida sa pinapanood nila. Tsss.

Umorder ako ng dalawang bote ng beer. Wala akong balak uminom ng madami kasi paubos nanaman ang pera ko at mabilis lang akong malasing.

Kinuha ko ang alak at dire-diretsong ininom yon. Napahawak ako sa sintido ko nang biglang kumirot iyon.

Inilibot ko ang paningin ko sa mga tao dahil naiilang na talaga akong kumilos.

dO____Ob

Mabilis na nanigas ang buong katawan ko nang makita ko si Kurt na may kasamang babae. Bumalik nanaman ang masamang alaala ng nakaraan.

Kinginang yan. Anlakas ata ng topak ni tadhana at ako nanaman ang napag tripan!!

Sinundan ko sila ng tingin hanggang maka-upo sila-- malapit lang sa kina-uupuan ko. Nakasisiguro akong hindi niya mahal ang babaeng kasama niya kasi hindi naman yan ang girlfriend niya. Kilala ko ang girlfriend niya ngayon, kilalang kilala.

Iniwas ko ang paningin ko sakanila at uminom uli ang alak.

Yung ka-sweetan niya dati na nawala na lang bigla dahil sa isang pagkakamali.

Tsaka kahit naman pala magkabalikan kami ngayon--hindi talaga magtatagal ang relasyon namin kasi masyado siyang malandi. Yung tipong, kahit may girlfriend na.. lumalandi pa rin sa iba. Pero kahit ganun na nga ang mangyari, kingina mahal ko pa din.

Wag sanang mapasama ang pag inom ko ngayon. Tsk!

Lumipas ang ilang minuto, ubos na ang ini-inom kong alak pero hindi pa rin ako umaalis sa lugar na 'to.

Hinanap ng paningin ko si Travis at nakita ko siyang kausap yung lalake kanina. Tinitigan kong mabuti ang lalake.. nanliit ang mata ko nung mamukaan ko siya.

Shet! Kapatid pala 'to ni Kurt! Siya yung kaklase ko dati sa Seoul, yung sumubok na landiin ako! Walang kaduda duda na mag kapatid sila, parehas malandi.

Nagsisimula na 'kong makaramdam ng pagkahilo kaya tumayo na 'ko at pa-alis na sana ako nang biglang harangin ako ng isang malakeng lalake. Nanliit tuloy ako sa sarili ko.

"Masyado ka atang duwag ngayon at hindi ka nag yabang?" nakangising sabi ng lalake, mukang taga Japan. "Hindi ko na papalagpasin tong pagkakataong---"

"Wag muna ngayon, taba. Nakainom ako."

"Ako rin naman, kaya simulan na natin ang pustahan! Kapag natalo mo ako magbabayad ako ng isang daang libong piso, at kapag napatay naman kita, saakin na ang buong korago." confident na confident na sabi niya.

Ako? Mapapatay niya dito? Tss.

Nakuha ko nanaman ang atensyon ng lahat ng nandito. Malamang, nakita na ako ni Kurt kaya hindi ko papatulan 'to. Wala siyang alam tungkol sa titulo ng pamilya ko, at wala akong balak ipaalam.

"Taasan mo pa ang presyo ng iyo." nakangising sabi ko.

"Kalahating milyon!"

Hold You TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon