Travis' PoV
Padabog akong bumalik sa sala at sinamaan ng tingin si Kris!
"Okay ka lang pre?!" natatawang tanong niya sakin!
"Pano mo nakilala si Alex?!"
"Mag kaklase kami sa South Korea dati."
"Paano mo siya nagustuhan?!" inis na tanong ko at napangiti naman siya!
Kadiri!
"Pasakay na ako nun sa kotse ko nung makita ko siyang may kausap na mga mukang adik na lalake, may mga hawak silang kahoy. Lalapit sana ako kaso nagulat ako nung biglang sumugod yung isang lalake sakanya pero naiwasan niya agad! Tapos bigla niyang pinagsasapak at pinagsisipa ng walang kahirap hirap yung mga lalake! Vinideohan ko pa nga iyon eh kasi astig na astig talaga ko sakanya! Tapos yon, sumunod na araw kinausap ko siya pero sobrang sungit niya. Isang linggo na yung lumipas pero hindi ko pa siya nun nakakausap ng matino. HAHAHA pakiramdam ko tuloy ang panget ko na. Pero syempre gwapo pa rin ako hanggang ngayon! Tapos Lunes ng tanghali ko nalaman na pumunta siya dito sa Pilipinas at nag stay lang siya sa Seoul for 1 week. Tsk sayang talaga."
Feel na feel niya ang pagkukwento na akala niya naman ay may pake ako sa pinagsasabi niya!
"Ganun ba pre? Eh mukang may gusto siya sa iba eh." nang-aasar na sabi ko.
"Ano?! At paano ka naman nakakasigurado diyan?!"
"Siguradong sigurado pre."
"Kilala mo ba siya?!"
"Oo naman. Magkaklase kaya kami at magkatabi pa. Sobrang bait nga nun sakin eh, tsaka madalas kaming sabay kumain---"
Hindi ko naituloy ang gusto kong sabihin nung bigla siyang tumayo at napipikong humarap sa akin.
d--,b
"Hindi mo ako maloloko! Nang-aasar ka ba, Travis?!"
"Nope. She's my girl, Kris."
Pikon na pikon siyang tumingin sa akin at tuwang tuwa naman ako. Ganyan din ang ginawa niya sa akin noon, gusto ko lang iparamdam sakanya kung gaano ako napikon dati.
Walang sabi sabing lumayas siya sa harap ko at tumawa ako ng malakas. I win.
"Para kayong nga bata."
"Wala kang pakealam."
"Eh kung pag-untugin ko kaya kayong dalawa?!"
"Then, go. Kung kaya mo." ngingisi ngising sabi ko at umalis sa harap nila.
_
Alex' PoVK I N A B U K A S A N
"Kamusta ang lagay niyo?" tanong ko kina Barbie at Grace.
"Ikaw dapat ang tinatanong namin niyan! Nabugbog lang kami at ikaw binaril ng ilang beses!"
"Okay naman ako." mayabang na sabi ko at pinakita ko pa ang kabuuan ko sakanila.
"Naniniwala na talaga ako na, matagal mamatay ang masamang damo." sabay sabay pa nilang sabi!
"Tch. Akala mo naman ang babait." pagpaparinig ko pa.
"Uy may naalala ako! Malapit na pala ang birthday mo, bakla ka! Di ka man lang nagsasabi! Nalaman na lang namin kay fafa Jay!"
"Ah talaga?" kunwaring interesadong tanong ko sakanila.
![](https://img.wattpad.com/cover/135936807-288-k578324.jpg)