Chapter 57

716 24 2
                                    

Jay's PoV

Nangingiti akong pumasok sa loob, naabutan ko silang nag s-set up ng timer ng bomba.

"Keep those bombs for now and prepare 8 guns for 4 people. Where's barbie? May ipapahack akong cctv," tanong ko sa tauhan ni Greco, itinuro naman ng isa ang computer room. Pumasok agad ako doon at naabutan ko siyang kumakain habang nakatutok sa computer ang paningin.

"Barbs, may pinapahanap si Alex--"

"I know."

Sinamaan ko siya ng tingin, "Nakinig ka nanaman sa usapan namin, 'no?"

"Duh, obviously."

"Sa susunod talaga na makinig ka, id-disconnect--"

"I have my ways, I'm intellectual as fuck. Eto na yung itsura, ip-print ko na. Kayo na ang bahala sa pagpaplano, tawagin niyo na lang ako pag gogora na."

"Intellectual your ass."

"Bigger than yours," ikinurba niya pa ang pang-upo niya habang iniaabot niya ang papel sa'kin, nandidiri ko siyang tinignan.

"Gross," inis kong hinablot ang papel mula sakanya.

Tinalikuran ko siya at padabog kong sinara ang pinto. Dinig ko pa ang malakas na halakhak niya sa loob.

"My bro, bakit mo naman pinaligpit yung mga babies ko? Akala ko ba may papasabugin tayo," bungad ni Greco pagkalabas ko.

"Pinacancel ni Alex. May gagawin tayo, sarili kong plano." nakangisi kong sabi at nanlaki ang mata niya.

"What? Baka pumalpak tayo, alam mo naman yung nangyari sa'min dati."

"Kasalanan mo 'yon, hindi ka nagsasabi. Talagang papalpak ka, tsk tsk parang first timer."

Suminghal siya. "Kasi naman, masyadong mayayabang ang mga taong 'yon."

"Natalo nga kayo edi mas pinayabang mo pa."

"At least kulungan ang bagsak nila."

"Kahit pa, maglabas lang sila ng pera makakalaya na agad ang mga 'yon," nanlaki naman ang mata niya at mukang alam ko na ang pumasok si isip nito. "Tumigil ka, Greco. May pinapagawa si Alex sa'tin."

"Saglit lang naman--"

"Shut up," iniabot ko sakanya ang picture ng pinapahanap ni Alex. "'Yan, saglit lang nating hahanapin at kulang ka na sa tauhan kaya bigyan mo ng trabaho."

"Sa'yo na lang, nakakapagod mag training ng baguhan."

"Sige, sasabihin ko na lang kay Alex na ayaw mong sumunod--"

"Just kidding, tara na nga habang maaga pa," nagsuot siya ng jacket, "magpaalam ka muna kay Barbecue--"

"Ingat, mga bakla," malakas na sigaw ni Barbie mula sa loob ng computer room.

Ikinuyom ko ang kamao ko dahil sa inis, ang kulit talaga! "'Wag mo nang pahahawakin ng computer ang baklang 'yon sa susunod!"

"Nasaan ba kasi si Grace?"

"May hang over! Makikipag break sa jowa tapos maglalasing. Ako na lang yata ang normal dito eh!"

"Aba-- ako din kaya!"

Inambaan ko siya ng suntok, "Normal ba 'yang nakasuot ng jacket at boxer shorts tapos nag-aaya nang umalis?!"

Mabilis siyang napatingin sa ibaba niya at kinamot ang kanyang batok. Napapahiya siyang tumakbo papasok sa loob ng sariling kuwarto.

Pabagsak akong umupo sa sofa at naghintay ng mahigit sampung minuto bago siya lumabas. Napakatagal niya sa loob tapos pants lang naman ang sinuot.

"Sa susunod nga hindi na ikaw ang isasama ko! Napakabagal mong kumilos!"

Hold You TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon