Alex' PoV
"S-Sige. Okay lang."
Napapikit ako ng mariin dahil sa inis! Bakit ba napaka hirap iwan neto?!
Kunot noo kong tinitigan ang mukha niyang nakasimangot. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Ayokong ako ang maunang magkagusto at ayoko ding magkagusto sakanya. Iba lang talaga ang pakiramdam ko kapag siya ang kasama ko.
Hindi ko siya magawang tanggihan.
Sakanya lang ako nakakangiti ng totoo.
Naiilang ako sakanya.
Umiling iling ako at nag iwas ng tingin.
'Sino ba naman kasing babae ang hindi maiilang kapag gwapo ang kausap diba?! Pwera na lang kung maharot at makapal kapal ang mukha ng babaeng kausap nito!'
'Tsaka kung hindi lang talaga siya gwapo, kanina ko pa toh nilayasan dito!'
Tsk. "Mag grocery muna tayo."
Tumango na lang siya.
Tinulak niya na ulit ang push cart at siya na din ang kumuha ng mga bibilhin niya. Pumunta ako sa mga karne at kumuha ng anim na manok. Lumapit si Travis sakin para tulungan akong ilagay ito sa push cart.
Kumuha na din ako ng isda tsaka mga canned goods. Si Travis naman ay puro tsokolate, tsitsirya at kendi ang mga pinagkukuha kapag napapadaan kami.
Dumiretso na kami sa cashier at nagbayad na. Nilagay namin sa dalawang push cart ang mga pinamili namin at nag simulang mag lakad.
"Puntahan natin ang mga tauhan ko sa labas para kuhanin 'tong mga pinamili natin. Lalakarin na lang natin, malapit lapit lang iyon."
"Paano itong push cart? Dadalhin din natin papunta dun?"
"Malamang. Alangan namang bitbitin natin yan lahat. Ibabalik naman natin eh."
Napapahiyang tumango na lang siya.
"Gusto mo bang sumama sa pupuntahan ko mamaya?" seryosong tanong ko at medyo nanlaki ang mata niya.
"H-Ha?"
"Kung gusto mo bang sumama?"
"Saan?"
"Sa pupuntahan."
"Saan nga?!"
"Malalaman mo din mamaya. Sasama ka ba o hindi? Okay lang naman kung hindi---"
"Sasama ako!"
"Okay."
Mabilis lang agad kaming nakarating.
"A-Antahimik naman dito." kinakabahang sambit niya.
May humintong dalawang kotseng itim sa mismong tapat namin. Isa isa silang bumaba na may mga bitbit pang mga baril.
Tinutukan nila kami ng baril kaya napahawak si Travis ng mahigpit sa braso ko.
"A-Alex."
'Puta, pati ba naman dito nasundan pa kami! Badtrip!'
"Kapag sinabi kong tumakbo ka, tatakbo ka. Naiintindihan mo?!" madiing bulong ko kay Travis.
Nginisian ko silang lahat kahit kinakabahan ako para kay Travis. Pasikreto akong napangiti nung makita kong nagsisibabaan na ang mga tauhan ko sa sasakyan nila---
dO___Ob
BANGG!
Mabilis kong hinila si Travis papunta sa likod ko nung muntik na siyang mabaril! Sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba!
"Tangina ka!" malutong na pagmumura ko.
Sinenyasan ko ang mga tauhan ko na ihagis sakin ang baril. Nasalo ko agad iyon at..
"Takbo, Travis!" malakas na sigaw ko kasabay ng pagkasa ko sa baril.
BANG!
BANG!
BANG!
Binabaril ko lahat ng mga sumusunod kay Travis. Medyo nakahinga ako ng maluwag nung makita kong nakaliko na siya.
Lihim akong napangiti dahil sa bawat pagkalabit ko sa baril ay isa isa silang natutumba. May dumating pang dalawang sasakyan kaya sinenyasan ko ang lima kong tauhan na sumugod na.
King ina. Baka madagdagan pa ang sugat ko.
Lumakas ang tibok ng puso ko nung may marinig akong halakhakan ng mga lalake!
"Magkikita pa tayo mamaya, Alex!"
dO___Ob
Tangina si Travis.
Mariin kong nakagat ang labi ko..
"B-Boss!"
___
Travis' PoV
"Takbo, Travis!"
dO___Ob
Nagdadalawang isip pa ako kung tatakbo ba ako o hindi!
Hindi ko siya pwedeng iwan pero hindi rin naman ako makakatulong kung nandun lang ako nakatago sa likod niya, mas lalo siyang mahihirapan lalo na't isa lang ang baril niya. Kung tatakbo ako, makakahingi ako ng tulong sa mga pulis!
Tumakbo na ako ng mabilis habang nakayuko at nakatakip ang dalawang kamay sa tainga.
Ramdam ko ang kaba ko pero nangingibabaw ang pag aalala ko kay Alex.
d>___<b
Kailangan kong magtiwala kay Alex.
Saktong pag liko ko ay bumungad sakin ang tatlong lalakeng armado!
Tatakbo sana ako papalayo sakanila pero mabilis nilang nahawakan ang kamay ko at pinosasan iyon!
"Napaka dali mong hulihin! HAHAHA!"
Kinaladkad nila ako papunta sa kotse nila.
"Magkikita pa tayo mamaya, Alex." malakas na sigaw ko.
"Manahimik ka!"
Naisakay na nila ako sa kotse at mabilis nila iyong pinaandar.
Hindi ako dapat matakot sakanila.
Mas nahihirapan si Alex kaysa sakin.
Bumuntong hininga ako at tinignan ang mga lalakeng kasama ko.
Ngiting aso ang mga gago.
Maya maya pa ay huminto ang sasakyan. Nginisian ako ng lalakeng katabi ko at bigla niyang itinakip ang panyo sa bibig at ilong ko! Pinilit kong makaalis pero mahirap dahil nakaposas ang dalawa kong kamay.
Pinadyak ko nang pinadyak ang paa ko hanggang sa mawalan na ako ng malay..
__