Chapter 55

1.3K 47 14
                                    

Jay's PoV

Nakauwi na ang lahat ng mga kaklase ni Alex, maliban dito kay Travis na nakabuntot lang sakin. Yung iba ay malapit lang ang bahay kaya umuwi na mag-isa at ang iba naman ay nagpasundo sa mga magulang dahil takot nang umuwi.

"Anong plano mo? Bakit hindi ka pa umuuwi?" takang tanong ko kay Travis.

"Ihatid mo 'ko."

Nanlaki ang mata ko at sinamaan ko siya ng tingin, "Anong-- tch alam kong malapit lang ang bahay mo. Bakit hindi ka nagpasama sa mga kaibigan mo?!"

"Sabi ni Alexia magpasama daw ako sayo pauwi."

Natigilan ako, "May gusto ka sakanya 'no?"

"Oo. S-Siya rin naman."

Natawa na lang ako at umiling iling, bakit ko pa ba tinanong? Halata naman sa kilos at mata niya kung gaano siya nasasaktan ngayon eh.

"I like her too. Pero alam ko na kaibigan lang ang turing niya sakin. Swerte mo, ilang buwan lang kayong nagkakilala may gusto na agad siya sayo."

Hindi siya sumagot, bumigat bigla ang pakiramdam ko. Iba pala yung sakit kapag alam mong talo ka na agad.

__

Alex' PoV

Hindi ko na alam kung ilang oras na 'kong nakakulong sa malaking silid na 'to. Ang sabi nila kanina ay hihintayin lang ang boss nila at handa na niya akong patayin.

Sana hindi pa umaga.

Mabilis akong napatayo nung narinig kong may nagtatanggal ng kadena sa labas. Sinilip ko agad kung sino 'yon at nakahinga naman ako ng maluwag dahil siya yung lalake kanina na nagpaputok ng baril para ithreat kami.

Nang makita niya ako ay nanlaki ang mata niya at mabilis niyang binago ang reaksyon niya. May dala dala siyang pagkain.

"I've been waiting for you." kunwaring naiinip na sabi ko at natigilan siya.

"W-What do you mean?"

"If you wanna help me, come back here and you have to lend me your gun. I won't hurt you if you won't fight back." dahan dahan kong sabi para maintindihan niya.

"W-What if my boss kill me?"

"Get out from this place before exactly 7 am in the morning."

Tumango siya at umalis na dahil tapos na ang pagaayos niya sa pagkain ko. Hindi ko 'yon kinain dahil wala akong gana. Ang gusto ko lang gawin ay makatakas dito para hindi na mag-alala si Travis sakin.

Mga ilang oras pa akong naghintay bago ko marinig muli ang tunog ng kadena. Tumayo agad ako, nang nakita kong nabuksan niya na ang pinto, saka ko hinila ang kuwelyo niya, "act like you're in pain," nagmamadaling bulong ko sakanya. May cctv kasi dito pero madilim naman kaya hindi mahahalata. Mahina ko siyang tinuhod sa tiyan ng ilang beses at hinablot ko na ang baril na may silencer. Kunwaring pinukpok ko 'yon sa ulo niya pero sa wrist ko lang talaga ipinatama. Humiga na siya sa sahig at pumikit.

Lumabas na ako sa silid, bumungad agad sakin ang mga lalakeng nag-iinuman. Bago pa sila magsilingunan sakin ay sunod sunod ko nang kinalabit ang gatilyo ng baril. Nagpatuloy ako sa paglalakad at sumandal muna ako sa wall bago lumiko. Nang makita kong walang tao ay mabilis akong tumakbo.

Nasa building kami kung saan lumanding ang helicopter. Kailangan kong hanapin ang hagdan pababa-- saktong may nakita akong lalake na abala sa pagkalikot ng cellphone niya. Binaril ko ang paa niya, sunod ang dalawang kamay niya nung nagtangka siyang kunin ang baril niya sa bulsa.

"Saan ang hagdan dito?" mahinang tanong ko habang nakatutok ang baril ko sakanya.

Itinuro niya agad ang kaliwang daan, muli ko siyang binaril sa tagiliran bilang pasasalamat. Sinilip ko muna ang itinuro ng lalake bago tumuloy, nakita ko agad ang hagdan at dahan dahan akong humakbang pababa. Nasa pangatlong baitang palang ako ay may nagpaputok na ng baril kaya mabilis akong tumalon sa hagdan habang patuloy lang ako sa pagbabaril kahit hindi ko nakikita ang target.

Hold You TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon