Francis Adrales Garcia's PoV
Sa lahat ng pinagdaanan ko, ito yung pinakamabigat sa pakiramdam. Ang laki ng pinatong ko sa sarili kong balikat, kinalaban ko yung sarili kong lolo na mahal na mahal ko nung wala pa 'kong ka-alam alam sa mundong meron siya.
Sarili kong pamilya hindi ko kilala, hindi ko mabasa kung anong nasa isip nila. Basta ang alam ko lang nagtutulungan sila sa maduming negosyo na sinimulan ni lolo.
Anak ni lolo ang mama ko, pero nakikita ko kay mama na hinahayaan niya lang si papa at lolo na gawin ang gusto nila. Wala akong mabasa na kahit ano, hindi ko nakikitang hindi siya sang-ayon at hindi ko rin nakikitang sumasang-ayon siya.
I asked for my mom's permission na gagawin ko 'to ngayon, wala siyang sinabi, she just smiled at me then she walked away. Yung ngiti niyang 'yon ang ginamit kong lakas para magawa ko 'to and here I am. Sitting inside the van with my own family's rival.
Kahit madami akong kasama dito, emotionally and mentally, ramdam kong mag-isa lang ako. I can't lay my head on someone's shoulder to cry on. Nasasaktan ako pero alam kong hindi nila ako maiintindihan kasi galit sila sa pamilya ko.
At dapat lang naman na tulungan ko sila, bukas ang isip ko sa maling gawain ng pamilya ko. It's tiring, it's draining me inside. Just by the thought of me being a criminal makes me want to end my life ngayon palang.
I'm drowning with my own thoughts nang mapansin kong tumigil na ang sasakyan at sandamakmak ang reporters na nagsilapitan sa labas ng sasakyan namin.
Tapos na pala.
Hindi ko na pala kailangang mag suffer kapag nakita ko pa si lolo. Tapos na, it's either she died or he's arrested.
"You can stay here, Francis."
"I'll be going with you, tito. It's fine."
Tumango na lamang siya saka lumabas, bumuntong hininga muna ako bago buksan ang pinto.
As I've expected, they're all surprised. Dinumog ako ng mga reporters, gusto ko silang sigawan sa mga maling impormasyon o isyu na tinatanong nila sa'kin. Kilala ako bilang palasagot sa mga reporters kaya mas lalong pa kong nakilala ng karamihan at mas kinainisan pa lalo.
"We heard that your own family disowned you, does that explains the reason why you sided with the Cristobals?"
"That sounds fun, but no." pinilit kong ngumiti sa harap nila.
"You were so wild in the bar that night, how did you escaped from the police? Have you learned some techniques from your grandfather?"
"I'm independent so I learned it myself."
"What do you think about those netizens who were spamming you with hate comments before?"
"I'm thankful, I guess?"
"Your family is loved by a lot of people, especially your brother, why are you so different from them--"
"I'm unique."
It's funny how my family is loved by the public but hated by the police. And me? No one knows who I am.
Kilala lang nila ako bilang isang walang respetong anak dahil hindi ako sumasama sa kahit na anong public gatherings ng pamilya namin. I have my reasons, alam kong pampabango lang yon sa negosyo ni lolo. More like throwing money at people's faces.
"Your grandfather is arrested, are you okay with it?"
And the fun in answering them sarcastically now ends. That question made my mouth shut.
![](https://img.wattpad.com/cover/135936807-288-k578324.jpg)