Chapter 52

1.7K 39 12
                                    

Kaitlyn's PoV

"Kait tawagin mo na yung dalawang nagliligawan doon." utos sakin ng pesteng lalake na nasa tabi ko.

"Bakit hindi mo tawagin?!"

"Gusto ko ikaw eh." nakangisi niyang sabi at saglit akong natigilan. Mariin akong lumunok dahil sa paraan ng pagtingin niya sakin pero halos lamunin ako ng lupa sa hiya nung tumawa siya ng malakas.

"Demonyo ka talaga!" pikon na pikon na sigaw ko sakanya at padabog na tumayo.

Pinagsisipa ko lahat ng bato na madadaanan ko habang naglakakad papunta kila Travis.

Nakakabwisit talaga ang lalakeng 'yon! Kahapon niya pa ako ginugulo, lahat ng inuutos sakin nila sir palagi siyang nakabuntot sakin. Hindi niya nga ako tinutulungan sa mga ginagawa ko kasi tinatamad daw siya. Wala siyang ginawa kundi mang-asar, mabuti sana kung may kwenta ang mga pinagsasabi eh!

Natanaw ko na sila Travis at Alex, magkaharap silang dalawa at seryosong nag-uusap. May something talaga sa dalawang 'to eh. Halos hindi sila mapag hiwalay, dati nung wala pa si Alex sa school namin palagi siyang pumapasok ng lasing.

Maayos naman ang pamilya nila kaya wala kaming ideya kung bakit palaging naglalasing si Travis. Ngayon ko lang pala napansin yung mga pagbabago niya, nako mukang malakas yata ang tama niya kay Alex.

"Hoyyy kayong dalawa diyan." malakas na pagtawag ko sakanila at sabay pa silang napatingin sakin, "Alam kong iniistorbo ko ang pagliligawan niyo pero kayo na lang ang kulang doon. At 'yang kaibigan mo Travis, ilayo layo mo 'yon sakin. Kanina ko pa siya gustong sipain papuntang Pluto."

Nung hindi pa sila kumilos, lumapit na ako sakanila at sabay silang hinila. Sabay din nilang hinila ang kamay nila sa kamay ko at naglakad na silang dalawa. Naiwan akong nakatanga.

"Pati ba naman dito iniiwan ako. Hoy hintayin niyo 'ko!"

_

Alex' PoV

"Pumunta na kayo sa mga kanya kanya niyong grupo." masiglang sabi ni sir.

Excited na nagsitayuan ang lahat habang ang grupo namin ay nakaupo lang. Kanina pa kasi kami magkakatabi dito.

"Sir walang kagrupo si Kurt." sigaw ng isa naming kaklase.

Hindi ko alam kung bakit nagkatinginan kami ni Travis. Kinabahan ako dahil pumasok sa isip ko ang tanong niya sakin kanina. Hindi ko talaga alam ang isasagot ko. Kapag itinuloy ko ang kung ano mang meron saming dalawa ni Travis, alam kong pagsisisihan niya din 'yon sa mga susunod na araw.

Tumaas ang isa kong kilay nung lumapit samin si Kurt. Aangal pa sana si Travis pero agad ko siyang tinignan.

Iniwas ko ang tingin ko sakanya nung ngumuso siya. Parang bata talaga ang lalakeng 'to. Nakuha ng atensyon ko ang mga lalakeng may dala dala ng bows and arrows. Gusto kong tumalon sa tuwa, isang taon na ata akong hindi nakakahawak non!

Ang iba naman ay nadismaya dahil ang akala daw nika ay mag s-swimming sa lawa. May mga life vest kasi sa gilid.

"Archery ang first activity natin ngayon. Kasama 'yan sa tinalakay natin kahapon kaya I assume na alam niyo na ang gagawin niyo."

Nakinig akong mabuti sa sasabihin ni sir.

"Happy?" nakangiting tanong sakin ni Travis.

Nakangiti akong tumango at inakbayan niya ako. Hindi ko na pinansin ang pagkakalapit namin at tinuon ang atensyon ko sa harap.

"Sasabihin ko na ang mga grupo na magkakalaban, " si ma'am, "group Chaos vs group defenders
group dominator vs group-- wala pang name ang grupo ninyo Cristobal."

Hold You TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon