Travis' PoV
Hindi ko na alam kung gaano na kami katagal bumabyahe, ang alam ko lang hindi matigil yung pag bilis ng tibok ng puso ko lalo na kapag nakakaiglip ako tapos mararamdaman ko yung pag hinto ng sasakyan.
"What's your relationship with Alex, son?" nag-angat ako ng tingin kay dad.
I forcely smiled at him, "She's my girl, dad."
"And you are her what?"
"Suitor," maikling sagot ko at saglit kaming natahimik. Nararamdaman kong komportable na kami ni Alex sa isa't isa kumpara dati, nasa tamang edad naman na kami kahit huli kami sa pag-aaral.
"I can see that you both won't end up like Alexiandra's parents."
Interesado akong tumingin kay daddy na ngayon ay ngiting ngiti habang nakatutok sa pagd-drive, "Why?"
"Haera Park and Axel Reyes Cristobal failed to give their love story a happy ending. Alexiandra is one of those person who grew up without a complete family, fate is giving her a chance to have her own... hmm, let's see, son."
Proud akong ngumiti kay daddy at mahina naman siyang tumawa, "So are you saying that Alex and I met by fate?"
Nagkibit balikat si daddy, "Everything depends on how much you both love each other."
Nginisian ko siya, "I'll show you, dad."
"Show her."
Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko sa usapan namin ni daddy. Puro negatibo na lang ang iniisip ko, I can't just look at the positive side of this difficult situation. Nalaman ko lang na ganito pala ako kahina nung nakilala ko si Alex.
"Heinze? Hello? Andyan ka pa ba?" paulit-ulit na pagtawag ni daddy sa nagbibigay ng direksyon sa'min through phone call. Paunti unting kumunot ang noo niya habang pinapakinggan ang kabilang linya, bumalik nanaman ang kaba ko nang binabaan niya ito ng tawag, "Biglang nanginginig ang boses nitong si Heinze, siguradong may nagbabanta na sakanya doon. Call your mom, Travis. Ipatrack mo yung cellphone ni Alex, susundan natin kung saan siya dadalhin."
Dinial ko agad ang numero ni mommy, wala pang tatlong segundo ay sumagot agad siya, "Mom, patrack ng cellphone ni Alex."
"Si Grace 'to, may ginagawa ang mommy mo. 'Wag kang masyadong mag-alala, nakabantay kami sainyong lahat--"
Mariin akong lumunok, "Someone's controlling Heinze, disconnected kami ngayon sakanya."
"Tama naman ang direksyon niyo? 'Yan din ang dinaanan ni Alex kanina," nagtataka niyang sagot. Kinuha naman ni daddy sa'kin ang cellphone ko at siya ang nakipag-usap.
"Nasaan na si Alexiandra?" "
"Huminto na po si Alex. Medyo malapit na kayo sakanya."
"Heinze's voice is shaking so bad so I disconnected the call. I'm sure that someone's behind him."
"Wait, sir.."
"Don't even try to contact Heinze baka mapuntahan pa kayo diyan. How about Kernel and Kurt? Where are they?" tanong ni daddy.
"Hindi po sila huminto sa pinaghintuan ni Alex. Sila ang mas malapit kay Alex, dumiretso lang po kayo. Hold on, we'll contact them for a minute."
_
Alex' PoV
"'Wag mo nang papapuntahin sila Travis kung delikado yung lugar na mapupuntahan ko," pakiusap ko kay Heinze habang lakad takbo kong hinahanap sila Adrales. Dito ako pinahinto ni Heinze malapit sa Subic, hindi ko alam na ganito na pala kalayo ang narating ko habang nagmomotor.