Alex' POV
"Ano bang kailangan mo?" seryosong tanong ko kay Travis nang mapansin kong kanina pa siya nakasunod sakin.
Nagkibit balikat siya. "Sabi ng kaibigan mo, sundan daw kita."
"Sinong kaibigan?"
Kumunot naman ang noo niya, "Si Kaitlyn. Kaibigan mo 'yon diba?"
"Magkakilala lang kami."
"Magkaibigan kaya kayo!"
"Mas marunong ka pa sa'kin."
"Ang tingin nga sayo ni Kaitlyn kaibigan tapos ang tingin mo sakanya kakilala lang? Ang yabang mo talaga!" pamimilit niya pa.
Mayabang nanaman?!
"Edi sige. Masaya ka na?"
"Napilitan ka pa talaga?" hindi makapaniwalang tanong niya kaya agad ko siyang inirapan. Masyado siyang maingay, wala namang sense ang pinagtataluhan namin.
"Katulad na lang ngayon na magkasama tayo, matatawag mo ba akong kaibigan? Hindi naman diba?" natatawang sabi ko.
Hindi na siya nakasagot at napapahiyang tumingin sa'kin. Bumuntong hininga ako kasabay ng pag tunog ng bell senyales na mag-iistart na ang klase.
"T-Tara na," nauutal na aya niya.
"Mauna ka na."
"Eh ikaw?"
"Mauna ka n--"
Bigla akong natigilan nung makita ko si Nathan na may hawak na baril at nakatutok 'yon sakin. Nang makita niyang sakanya ako nakatingin ay mabilis siyang kumaripas ng takbo. Hindi na ako nagdalawang isip na habulin siya.
"H-Hoy! Ano ba! Saan ka pupunta?"
"Bumalik ka na doon!" sigaw ko sakanya habang tumatakbo.
"Anong hahabulin?! Baket?!"
"'Wag kang sumunod, ano ba?!" nawala kay Nathan ang atensyon ko at nalipat na kay Travis kaya hindi ko nakita kung saan siya lumiko. Tanginang school 'to napakalaki!
"Dito siya dumaan sa kanan!" biglang sigaw ni Travis, mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Hanggang sa makita ko si Nathan na nagtatago sa puno malayo sa amin. Hinihingal siya at mukhang hindi kami napansin na nakasunod.
Hinila ko yung kamay ni Travis at bumulong sa kanya, "Bumalik ka na doon. Ako na ang bahala."
"A-Anong gagawin mo? May baril siya," halatang takot na sabi niya.
"Bumalik ka na doon. Bilisan mo lang ang takbo mo."
"P-Pero--"
Mariin akong pumikit, "Basta bumalik ka na lang. Madadamay ka pa."
Tumingin siya sakin, magkahalong kaba at nag-aalala ang nakikita kong emosyon sa mukha niya. Siya pa talaga ang matatakot tch!
"'Wag ka ngang matakot! Bumalik ka na lang don kung ayaw mong umuwi sa hospital mamaya."
Nag-iwas lang siya ng tingin at tumango. Hinawakan ko ang dalawa niyang braso at pilit na itinalikod sakin. Nag dalawang isip pa siya pero agad rin siyang tumakbo.
Lumiko na ako papunta sa damuhan kung saan tumakbo kanina si Reyes. Tinanaw ko pa si Travis. Mabilis kong nilapitan yung punong pinagtataguan ni Reyes.
Nagdahan dahan ako sa pag lapit dahil baka marinig niya ang--
Putangina.
Bigla siyang humarap sa akin, "Tatlong hakbang pa Alex, mamamatay ka."