Chapter 36: make her happy

1.7K 43 0
                                        

•Part 1•

Travis' PoV

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko kanina. Gusto kong sugurin kanina si Kurt Delaviña pero mabuti na lang at naisip ko si Alex, kaya medyo nakapag pigil pa ako!

Alam kong doble dobleng sakit nanaman ang mararamdaman ni Alex kapag nalaman niya ang narinig ko kanina kaya mas mabuti pa na wag niya munang malaman ngayon.

Kahit ngayong araw lang na 'to at pati bukas, sana maging masaya siya. Naisipan kong dalhin siya sa pinaka malapit na mall. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa, basta ang alam ko lang.. ayoko siyang nakikitang nasasaktan at nagagalit.

Matapos ko siyang ngitian kanina hindi na siya nag salita. Masyado yata siyang nagwapuhan sakin. Nandito kami ngayon sa loob ng kotse ko. Naka kunot ang noo niya at halatang gusto niyang mag tanong. Panay din ang pag-iwas niya ng tingin. Titingin siya saglit sa labas ng bintana, maya maya naman yuyuko siya tapos bubuksan yung maliit niyang bag kahit wala naman siyang kinukuha dun.

Halatang naiilang.

d--,b

d^__^b

"Gusto mong mag shopping?"

"Bakit?! Anong meron?!"

"Wala naman. Gusto lang kitang ilibre."

Nanlaki ang mata niya at dinuro ang sarili. "A-Ako?! Bakit ako?!"

"Pwede bang tigilan mo na ang pag tatanong?" inis kunwaring sabi ko.

"T-Tsss. Bakit ba kasi bigla bigla na lang nag-aya."

"Ayaw pa?"

Inirapan niya lang ako!

Aba, marunong ka nang mag-inarte ha!

Inihinto ko na ang kotse at dali dali akong bumaba para pag buksan siya ng pinto. Napatitig pa siya ng limang segundo sakin bago bumaba.

"May field trip nga pala tayo bukas, kaka-announce lang nung Friday. Sakto at sabay na tayong bumili ng baon para bukas."

"Hindi ako sasama dun. Tsaka wala akong dalang pera kaya mabuti na lang na iuwi mo na ko---"

Natigilan siya sa pag sasalita nung inilapit ko sakanya ang muka ko. "Sa ayaw at sa gusto mo, sasama ka bukas kasi kasama ako. Naiintindihan mo? Tsaka wag mo nang problemahin ang pera kasi nga ako ang nagdala sayo dito-- ililibre kita."

"W-Wag na. Mapapagastos ka pa." sagot niya at umatras saka nag-iwas ng tingin.

d--,b

"Wag ka na ngang tumanggi. Baka magbago pa ang isip ko."

Bumuntong hininga siya at kunwaring napipilitan na tumango.

d--,b

Mataas ang pride niya at alam kong kaya niyang tumanggi pero dahil nga sa sobrang gwapo ko napapapayag ko siya.

Saan ko naman kaya siya dadalhin?

Hmm..

"Nagugutom ka na ba?"

Mabilis siyang umiling. "Kakakain ko lang kanina bago pumasok."

"Mmm, ako rin eh. Tara."

Hold You TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon