Chapter 47

1.1K 31 2
                                    

Travis' PoV

"Hoy yung nagliligawan diyan, kakain na daw!"

Panira talaga ng moment 'tong si Calvin! "Oo! Saglit lang!" sinamaan ko muna siya ng tingin bago ako bumaling kay Alexia, nakangiwi siyang tumingin sakin pero mas nginitian ko pa siya lalo.

"Ano nanaman?"

"Thank you."

"Para saan?"

For making me happy.

"Ako dapat yung nagpapasaya sayo eh! Ang daya naman."

"Eh? Bakit naman?"

"Gusto ko kasing makita yung ngiti diyan sa muka mo. Lagi kang galit, parang hindi ka masaya pag nakikita mo 'ko." nakasimangot na sabi ko sakanya at nagulat naman ako nung bigla siyang tumawa ng mahina, "anong nakakatawa sa sinabi ko?"

"Y-yung muka mo parang.." tatawa tawa pa ring sabi niya at nang aasar ang tingin sakin. Nang mapikon ako sa katatawa niya ay nag martsa ako paalis sakanya kahit gusto ko pa siyang makausap don.

Ang lakas talagang mang-inis non!

"Enriquez at Cristobal! Tama na ang kwentuhan, madami pang oras mamayang gabi. Kumain na muna kayo dito."

Tumango na lang ako at nilingon ko si Alexia. Napaatras ako nung makita ko siyang nakaupo sa damuhan at parang may malalim na iniisip.

Sino kayang iniisip niya? Si Kurt kaya? O baka naman si.. Jay? O yung pamilya niya nanaman?

Bumuntong hininga ako at nilapitan siya, "Tumayo ka na nga diyan."

"Hindi ako kakain."

Lumambot ang puso ko nung makita ko nanamang walang emosyon ang muka niya, lagi na lang siyang ganyan. Hindi ko malaman kung pano ba siya patawanin, yung dahil sakin at hindi dahil sa pang-iinis niya sakin.

"Tumayo ka na diyan, kanina pa nila tayo inaayang kumain."

Hindi siya sumagot.

"Tatayo ka o bubuhati-- tatayo ka din naman pala. Gusto mo pang pilitin eh."

Nagsimula na kaming maglakad ng sabay at hindi ko na hinawakan ang kamay niya para kahit kaunti ay komportable siyang makapaglakad kahit andaming nakatingin saming dalawa.

Kumakain na ang lahat, kami na lang pala yung hinihintay ng mga pagkain.

"Dito kayo Travis!" tawag samin ni Calvin kaya agad kaming lumapit sakanila.

Napansin kong nakaplastic gloves na silang lahat, "Wait lang, wag ka munang kumain," bulong ko kay Alexia at kahit nagtataka ay tumango na lang siya.

Kumuha ako sa gilid ng apat na plastic gloves, sinuot ko muna sa sarili ko ang sakin para ako ang mag suot kay Alexia ng sakanya. Excited akong bumalik sa pwesto ko, napangisi ako dahil napansin kong nasa harap lang pala namin si Kurt. Mahal mo pa pero kung ano anong pinagsasabi mo sakanya! Gago ka ah!

"Alexia, akin na kamay mo."

"Bakit?" pinandilatan niya ako ng mata, naintindihan ko naman agad ang ibig niyang sabihin pero tumawa lang ako. Pinilit kong kunin ang kamay niyang nakakuyom at ang lamig lamig pa.

"Isusuot ko 'to sayo."

"Ako na, marunong ako niyan."

"Sumunod ka na lang, naiiniis pa nga ako sayo." pinilit kong ikunot ang noo ko, baka sakaling maawa sakin.

Medyo napaatras pa 'ko nung ilahad niya ang kamay niya sa harap ko, dali dali kong sinuot sakanya ang gloves.

"'Yan okay na. Kain na tayo."

Hold You TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon