Chapter 26

1.8K 41 0
                                    

Travis' POV

Habang nasa daan kami napapansin ko na silip ng silip si Alex sa side mirror ng kotse kaya naman sumilip na din ako.

Nakita ko ang tatlong itim na kotse sa likuran namin.

Taka akong napatingin kay Alex.

"Iliko mo." biglang sambit ni Alex at kunot noo ko siyang tiningnan.

"Bakit?"

"Basta. Sumunod ka na lang kung ayaw mong paputukan nila tong sasakyan mo."

Bigla namang binalot ng kaba ang sistema ko!

Iniliko ko ang kotse at nagulat ako nung lumiko din sila!

"Sabi na na nga ba! Ihinto mo nga."

"A-Anong gagawin mo?" kinakabahang tanong ko kay Alex pero hindi siya sumagot kaya sinunod ko na lang siya.

d>>___<<b

"Lumabas ka. Wag kang duwag." Sabi niya at lumabas!

Tangina sinong duwag?!

Bumaba na lang din ako nung may narinig akong sumigaw!

dO___Ob!!

May mga armadong lalake at--- may hawak na dalawang baril sj Alex!

Kusang tumaas ang dalawang kamay ko nung tinutok nila sakin ang baril!

Paulit ulit akong napapamura sa isip ko!

"Anong kailangan nyo?!" galit na tanong ni Alex!

At biglang may lalakeng lumabas sa kotse na may hawak ng sigarilyo!

Mukang mayaman siya dahil sa suot niya.

"Magandang hapon, Alexa ." parang tangang nakangisi siya kay Alex!

Nanginginig naman ang kamay ni Alex dahil sa galit.

Sino nanaman kaya ito?

"Masaya ka ba na makita muli ako?" sarkastik na tanong niya.

"Sobrang saya, Adrales. Yung tipong sa sobrang saya ko, lahat kayo nakaburol na sa isip ko."

dO___Ob

Siya si Adrales?!

Shet!

"Oh? Wala namang ganyanan Alexa. Hahaha!! Buti naalala mo pa ang apilyedo ko?! Eh yung buong pangalan ko? Natatandaan mo pa ba?"

Tumawa naman si Alex ng mahina. "Malamang. Sinong tao ang makakalimot sa taong gumago sakin at sa buhay ng pamilya ko?"

Nanlaki ang mata ni Adrales!

"B-Buti naman at nalaman mo na. Baka pwede mo nang ibaba yang baril mo?" umakto siyang natatakot kunwari pero parang wala namang nadinig si Alex na naka kunot pa ang noo!

Hold You TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon