Chapter 14

2.4K 43 0
                                    

Alex' POV

"Ano nang plano mo ngayon?" biglang problemadong tanong ni Jay sa'kin.

"Tungkol saan?" kunwaring nagtatakang tanong ko sakanya, palagi na lang kasi niyang isisingit sa usapan ang bagay na 'yon. Kaya nga ako nandito para saglit na makalimot.

"Sa tatay mo nga."

"Hindi ko nga alam."

"Bakla, totoo ba talaga na tatay mo yung panget na 'yon?" maarteng tanong nanaman ni Barbie, kaibigan kong bakla. Katulad ko ay hindi niya rin matanggap.

"Hindi pa nga 'ko sigurado," walang ganang sagot ko sakanila.

"Paano kung totoo 'yon?" simula pagdating ko dito ay paulit ulit na lang ang mga tanong nila. Hindi sila natatahimik sa simple kong sagot, pinipilit ko na lang na intindihin sila.

"Edi totoo," hindi na sila nag tanong ulit, mabuti na lang ay alam na nilang naririndi na 'ko sakanila.

Nandito ako ngayon sa bahay namin ng tropa ko. Tatlong araw akong hindi pumasok kasi trip ko lang. Nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay simula nung malaman ko kung sino ang tatay ko. Pero sa oras na malaman ko na mali na naman ang impormasyong binigay niya sa'kin baka di ako makapagpigil, madagdagan na naman ang mga kasalanan ko.

"Bakla, paano nga kasi kung totoo 'yon?!" pag tatanong niya ulit, siya pa talaga ang naiinis.

"Ibibitin kita patiwarik. Paulit ulit 'yang mga tanong niyo, parang mas kinakabahan pa kayo sa'kin."

"Panong hindi paulit ulit?! Hindi kami makakuha ng maayos na sagot sa'yo," sinamaan ko siya ng tingin at sabay sabay silang nagtawanan. Padabog akong tumayo at pumunta sa motor kong nakaparada sa labas. Nagsindi ako ng sigarilyo para kumalma.

"Baka magkasakit ka niyan. Nakailan ka na simula kahapon?" si Jay.

Tumabi sa'kin si Jay, nakasandal lang ako pero siya ay upong upo. Masyado siyang malapit sa'kin, hindi na lang ako sumagot dahil hindi ko na rin mabilang kung nakailan ako. Siguro naman ay hindi lalagpas ng tatlong kaha.

"Tsh, hindi ako naniniwala na tatay mo si Axel."

Ako rin naman, "Bakit?"

"Masyado ka kasing maganda."

Sarkastiko akong tumawa. "Hindi ako mabubusog diyan sa pinagsasabi mo."

Mahina rin siyang natawa. "Pero seryoso, hindi talaga ako naniniwala."

Tumango tango ako. "Okay."

"Oo nga. Masyadong malayo yung itsura niyo. Sobrang ganda ng mata mo, tapos yung pisngi mo kahit hindi lagyan ng kung ano-ano, mapula at makin-"

Nakokornihan ko siyang tinignan, "Tumahimik ka na nga."

"Seryoso nga kasi, kj ka talaga kahit kailan."

Nginiwian ko siya. "Okay," tamad na tamad kong pagsasalita.

"Minsan na nga lang mag biro ayaw pa," natatawa niyang sabi at sinamaan ko na lang ng tingin, "Saan ka na nga ulit nagaaral?" pag-iiba niya sa usapan.

"Villeinian High."

"Magkano tuition doon?"

"Bakit mo naman natanong?"

"Kasi gusto ko rin doon."

Hindi na 'ko sumagot, hindi talaga ako makasabay sa trip niya. Parang nalayo na talaga ako ng tuluyan sakanila, matagal na rin kasi kaming hindi nagkikita.

Pinagsama sama ko sila sa iisang bahay habang nasa ibang bansa ako, mga may problema din kasi sila sa pamilya at sa'kin sila humingi ng tulong.

Si Barbie at Grace lang ang pinalayas, si Jay nakikitira kay Barbie kapag nagkakaproblema ang pamilya nila. Kaya ayon, naisipan kong pagsamahin sila sa isang bahay.

Hold You TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon