Alex' PoV
"Anong paborito kong pagkain?"
"Luto ng mommy mo," nakangisi kong sagot at sinamaan niya 'ko ng tingin.
"Cheater, be specific!"
"You mean to say, hindi mo gusto ang luto ng mommy--"
"Of course, I do!" napipikon niyang sagot, kanina ko pa kasi dinadaya ang isang 'to. Kapag sinabi ko namang hindi ko alam, magmamaktol. Edi dayain natin.
"Then, one point for me."
Tinignan niya ako ng parang sumusuko na. "Spaghetti and fried chicken, that's my favorite."
"Ahh, yung lagi mong binibili sa canteen."
"Alam mo naman pala! Bakit hindi mo isagot?" naiinis niyang tanong at nagkibit balikat ako.
"Malay ko ba. Ang alam ko kasi, mga bata lang ang may gusto non, ikaw din pala."
"Itigil na nga natin 'to. Inaasar mo lang ako eh," napipikon niyang sabi 'saka tumayo. Hinayaan ko na lang siya at ibinaling ko ang atensyon ko sa dagat. "Let's buy something for us," biglang pag-aaya niya.
"Ano nanaman 'yon? Gaano kasakit sa bulsa 'yang balak mo?"
"Let me pay for it."
"Malamang, wala naman akong pera. Ang sa akin lang, 'wag kang masyadong magastos."
"Ehhhh," nag iinarte niyang sagot at bumuntong hininga ako.
"Dito na lang tayo, wala pang gastos."
"Minsan lang naman tayo pumunta dito. Please, ilang oras ko 'tong pinagplanuhan kanina."
"Sige, mapipilit mo ko ngayon pero mamaya hindi na. Ipapakita mo sa'kin kung anong gusto mong bilhin."
Inexpect ko nang liliwanag nanaman ang mata niya, tuwang tuwa akong tignan 'yon pero hindi dapat laging pinagbibigyan. Napakalakas gumastos, sa isang pabango naka 14k agad.
"Yes po, opo."
Makalipas ang ilang minutong paglalakad at pagtitingin tingin sa madadaanan namin, nakarating na rin kami sa gusto niyang puntahan. Basta na lang akong iniwan ni Travis nang may nag approach saming lalake, sa tingin ko ay accessories ang bibilhin nito. Mukang hindi ko na rin mapigilan dahil kumausap agad ng staff. Napakatigas ng ulo.
Sobrang laki nitong mall na 'to, siguro ay kasing laki ng isang beach resort o mas malaki pa. Puro mamahalin pa ang lahat ng gugustuhing bilhin.
Bumaling ako kay Travis at sa hawak hawak niyang item, nasa maliit na dalawang box 'yon. Tama nga ang hinala kong hindi ko na mapipigilan 'to dahil inabot na ang receipt kay Travis.
Nang matapos ang pag-uusap nila, walang sabi sabing tinulak na muli ni Travis ang wheelchair. Hindi siya nagsasalita pero ramdam ko ang saya at pagkasabik niya.
Ang pang-apat naman na destinasyon namin ay sa sinehan, kaunti lang ang tao kaya mabilis lang nakabili si Travis ng dalawang ticket saka bumili na rin siya ng popcorn at drinks.
"Plinano mo talaga kung saan tayo pupunta, 'no?"
Proud siyang tumingin sakin. "Nag-eenjoy ka naman diba?"
Tumango ako. "Nag-enjoy naman akong mang-asar."
Tinapunan niya ako ng masamang tingin. "'Yon lang?"
"Biro lang, syempre naman oo. Ilang oras tayong nag-usap doon sa seaside. Ano bang papanoorin natin?"
"2 hours long movie, Hold Her Tight, romance and action yung genre. I'm pretty sure that you'll like it."
Padilim na nang padilim ang dinadaanan namin, nang makapasok kami sa loob ay hindi naman karamihan ang nanonood. Pinili ni Travis ang seat kung saan walang ibang nakaupo sa limang magkasunod na row kundi kami lang.
