Chapter II

1.7K 40 6
                                    

#LITHCChildhoodFriend

"Anak nakahanap na ako ng papasukan mo! Sigurado magugustuhan mo doon!" Sabi ni Mama sa akin ng masaya.

"Talaga ma!"

"Oo!"

"M-Mama, asan si appa?" Nagtataka kong tanong. "Nakikita ko po kasi dito sa bahay na wala si appa eh." Nakatitig kong sabi sa kanya.

Bigla siyang naiwas sa akin. "Anak, panahon mo na siguro para malaman ang katotohanan," nakasimangot niyang pagkakasabi. "Nasa korea ang iyong appa. May iba na siyang pamilya."

"Ano pong may ibang pamilya?" Nakakunot na noo kong pagkakatanong.

"May iba na siyang asawa at anak. Iniwan na niya tayo." Luminaw na din ang aking pagkakaintindi.

"Ano po?! Bakit po siya nag-iba ng asawa at anak? Nandito naman tayo eh. Magaganda naman tayo eh! Tyaka mababait tayo at masunurin!"

"Wala tayong magagawa anak! Mas gusto niya doon eh, wala tayong magagawa! Kung dun siya masaya doon siya! Basta ang ipangako mo sa'kin na huwag na huwag kang manghihingi ng tulong sa appa mo ha! Tapos huwag mong hahanapin 'yon! Naiintintindihan mo Shane?"

"Opo ma!" Niyakap niya ako.

...

"Anak! Ingat ka dito ha! Huwag kang makulit ha! Huwag kang makikipag-away doon at huwag mong stressin si teacher."

"Opo ma!"

"Sige na anak! Punta ka na sa room mo! Alam mo na naman 'yon 'di ba?"

"Opo ma! Hehe."

Pumasok na ako dito sa school ng tumatakbo. Lumingin ako at umalis na nga si mama.

Habang tumitingin ako sa likod ko bigla na lang akong natumba mabuti na lang hindi sa lapag kung hindi dito sa lalaki na 'to kasing edad ko din syempre.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya, nakatitig lang ako sa kanya dahil sa gulat.

"Oo, salamat bata!"

"Mag-ingat ka bata! Ano nga palang pangalan mo bata?" Seryoso niyang tanong.

"Shane Yoon." Natawa siya sinabi ko.

"Hahaha! Ako naman si Marco Do. Ibig sabihin korean ka?"

"Korean?" Nakakunot na noo kong pagkakatanong.

"Oo Korean."

Natandaan ko ang sinabi ni mama na si appa ay may ibang asawa tapos nasa korea, ayun! Korea.

"O-oo, korean din ako. Nandoon nga si appa eh may ibang asawa."

"Bata ka pa katulad ko nalalaman mo na 'yong asawa!" Malutong na pagkakasabi niya.

"Hahaha! Ikaw nga din eh, sige na alis na ako kasi mag-sschool na ako."

"Sige." Nginitian niya ako at naglakad na ako palayo sa kanya.

"Shane!" Nagulat ako sa kanya.

"Abigail! Nandito ka? Papasok ka din ba? Tara na sama ka sakin magkaklase tayo."

"Sige!" Sabi ko at nagtawanan kami.

"Bata! Bata! Sino kausap mo?" Tanong niya sakin sabay tinulak niya ako. "Baliw ka na ba?"

Lady in the Hell CondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon