#LITHCFeelings
Nagising ako ng umaga ng may magaan na pakiramdam.
Hindi pa din ako makapaniwala na nasabi ko lahat kilala mama ang lahat.
Dati nga noong sinabi ko kay Marco ang katotohanan gumaan loob ko e. Pero ngayon mas gumaan.
Kaso si Abby at Kim hindi dahil hindi pa nila sinasabi kay tita Gilda ang katotohanan lalo na sa step father ni Lara.
...
"Wow! Pancake!" Sabi ko ng manghang-mangha. Parang ngayon lang yata nagluto neto.
"Sige kain lang! Marami pa naman 'yan." Alok pa ni mama sa akin. Alam na alam talaga ni mama ang mga kahinaan ko pagdating sa pagkain.
Ay oo nga pala, lahat naman ng tao natatakam din sa pancake e!
"May graham pa doon sa ref!" Pagkasabi ni tita non nagpunta kaagad ako sa ref at kinuha ang lalagyan na ginawa ng graham.
Napakadami! "Kaya mo ba ubusin 'yan??" Parang hamon na tanong sa akin ni mama.
"Hindi po ma ah, babawas lang ako ng isang pinggan." Sagot ko kay mama habang hinihiwa ko ang graham para ilagay sa platito.
Kaya naman ibinalik ko na ang graham sa ref at bumalik na ko sa lamesa upang kumain na.
"Wow ah! Sarap naman! Sino po gumawa nito?" Tanong ko sa kanila at tinaas naman ni tita ang kamay niya, "sarap po ah!" Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Syempre naman ako pa!"
"By the way, saan po pala si Marco?" Tanong ko sabay subo ng pancake kasama ang graham.
"Wala dito e. Nagpunta pala si Kimberly dito kanina tinanong ka nga kung gising ka naba kaso tulog ka pa edi sila na lang ni Marco ang nagpunta sa kanila." Sabi ni tita.
"Kaya nga e, pagpaplanuhan niyo ba 'yong kay Alfred?" Tanong ni mama sa 'kin.
"Hindi po ata ma e, hindi naman po ako pinagising sa inyo so, hindi po namin pag-uusapan 'yon."
"Ah sa bagay may point ka." Ngumiti na lamang si mama sa akin.
BINABASA MO ANG
Lady in the Hell Condo
HorrorShane Yoon Isang babae na titira sa condo na di namamalayan na isang hell condo. Siya'y nakatakda upang maging makapangyarihan at sunod na mangangalaga ng makapangyarihang bagay na ito at posible na makatalo sa isang napakalakas at makapangyarihang...