A/N - May isheshare lang ako senyo, kapag nagbabasa ako ng stories. Di ko iniisip na kung gano kalalim ang mga salita at di ko iniintindi ang mga nakakagulo o kung paano ang paraan ng pagsusulat ng author na 'yon, basta 'yung storya 'yong habol ko do'n hahahha! Skl! Comment nga kung kayo din ganon hehehhe.
#LITHCGraduation
Nagising ako sa tunog ng alarm kong napakalakas, pag-kadilat ko nakita ko si Abby na nakatitig sa akin.
"Abby, ano ba 'yan! Nakatitig ka pala! Nakakahiya tuloy!" Sabi ko habang umuunat.
"Huwag kang mahiya Abby, best friends naman tayo eh. Ay siya nga pala graduation mo na! Mamayang 9 am na 'yon! 6 am na! Mag-handa ka na para sa graduation mo!"
"Sige." Sabi ko sa kanya na nakangiti.
Maya maya pa ay bumaba na ako at nag breakfast pagkatapos kong mag-breakfast, muli akong umakyat para mag-ayos.
Pagkatapos kong mag-ayos, hindi ko namamalayan na 8 am na. Kailangan ko ng mag-make up para naman maganda kapag nasa university na ako.
Nag-make up na ako, kita ko si Abby na sobrang saya para sa akin.
"Ano bang pakiramdam kapag may make up ka?" Muli na naman akong napatigil sa kanyang tanong.
"Ok lang naman, parang pakiramdam mo maganda ka."
"Ganon ba? Pwede bang subukan?"
"Sige." Inabot ko sa kanya ang brush ng make up pero hindi nita ito mahawakan.
"Bakit hindi ko mahawakan?" Nagaalinlangan niyang tanong.
"One more."
"Sige." Sinubukan niya ulit hawakan ang brush ng make up, hanggang sa nahawakan na niya, " Yehey! Nahawakan ko!! Yes!" Masayang-masaya niyang sabi pero biglaan na lang nalaglag ang brush, "ay nalaglag." tumawa kami ni Abby.
"Ang galing mo naman Abby! Nahawakan mo! Paano mo nagawa 'yon?" Nakangiti kon tanong sa kanya.
"Ah ewan ko e. H-hindi k-ko alam."
"Ah, sige na alis na tayo punta na tayo sa school."
"Sige Shane. Titignan kita doon!"
"Sige!"
Bumaba na nga kami sa baba, saktong nandito na pala si Marco.
"Wow! Andyan na 'yung sundo mong hot at sobrang gwapo!!" Napatingin ako sa gilid saka ngumiti. Gwapo nga siya ngayon sa suot niya.
"Hi S-Shane. Ganda mo ngayon ha!" Bati niya sa'kin kasama niya ang mama niya.
"Thank you, ikaw? Lalo kang gumwapo." Ngumiti na lang siya sa akin nang biglang sumabat si mama.
"Sige na anak! Alis na tayo baka malate tayo doon!" Si mama talaga! Nag-suot isya ng pan-sexy! lalo tuloy sumexy ang mama ko.
Habang naglalakad kami, nakakapit ang mama ni Marco sa braso niya tapos si mama naman nakahawak sa balikat ko.
"Ang bilis talaga ng panahon! Graduation mo na! Dati rati artista ang gusto mo pero ngayon naging doctor ang magiging trabaho mo!" sabi ni mama na masayang-masaya.
BINABASA MO ANG
Lady in the Hell Condo
HorrorShane Yoon Isang babae na titira sa condo na di namamalayan na isang hell condo. Siya'y nakatakda upang maging makapangyarihan at sunod na mangangalaga ng makapangyarihang bagay na ito at posible na makatalo sa isang napakalakas at makapangyarihang...